Solacetooo
Dalawang mundo, dalawang ugali si Eli, ang seryosong architecture student na laging gusto ng perpekto, at si Noah, ang madaldal at palabirong journalism major na laging may pang-aasar na baon. Sa isang inter-department project na puno ng banggaan, pisikal man o emosyonal, pareho nilang natutunan na minsan, ang pinakainis mong tao... siya rin pala ang matagal mo nang kailangan.
Isang kwento ng inis na nauwi sa init, ng tampuhan na naging titigan at ng dalawang pusong nagtagpong hindi sa plano, pero sa tadhana.