sunmaruuramnus
- Reads 41,574
- Votes 860
- Parts 53
Hirap na hirap na umakyat si Annika na pumasok sa kanyang kwarto. Bigat na bigat ang kulay pink na gown niya...
Debut niya ngayon, at pagkatapos ng mahabang gabi, pagod na pagod siyang nag tungo sa kwarto.. Napaupo siya sa kama, pero may ngiti sa labi-masaya siya dahil sa marangyang debut na inihanda ng kanyang mga magulang.
Napansin niyang bukas ang veranda ng kanyang kwarto. Napakunot ang noo niya, pero alam niyang wala namang magtatangkang umakyat doon-mataas ang lugar at puno ng tauhan ng kanyang ama ang mansion, kibit balikat na nag tungo siya Doon at marahang isinara ang pinto ng veranda .
Agad siyang humiga. "SA wakas 18 na ako..." bulong niya sa sarili, habang pinagmamasdan ang susi ng suite na regalo ng kanyang ama. Pinayagan na siya nitong mag-bukod, kahit tutol na tutol ang mommy niya..
Dahil sa pagod at antok, hindi nagtagal ay nakatulog na siya, iniwan ang magarbong gabi sa likod niya.
Saglit palang Siyang nakatulog nang maalimpungatan si Annika. May naramdaman siyang kakaiba... parang may nakatitig sa kanya, parang may nagmamasid sa bawat galaw niya.
Biglang may humaplos sa mukha niya-napadilat Siya dahil doon, mabilis siyang napabangon.
"Who's there?!" napakalakas niyang bumulong, ngunit ang tanging sagot ay katahimikan.
Luminga siya sa paligid, pero wala naman tao. Ang puso niya'y mabilis tumibok, parang may naririnig siyang mga yabag sa malayo.
Napansin niya na bahagyang gumalaw ang kurtina sa veranda ng kanyang kwarto. Lumapit siya, dahan-dahang binuksan ang pinto... ngunit walang tao.
Muli, nagkibit-balikat siya, sinusubukang patahimikin ang kaba.
Saka bumulong sa sarili, halos pabulong, "Ang... weird... ."