Rebolusyon Duology
2 stories
Sa Gunita by Plumalope
Plumalope
  • WpView
    Reads 60
  • WpVote
    Votes 14
  • WpPart
    Parts 4
[Rebolusyon Duology #2] Dignidad at prinsipyo - mga bagay na hindi nabubura ng panahon. Ano nga ba ang kahulugan ng mga ito para sa isang bayani ng rebolusyon? Sa nakaraan ay naroon ang isang makisig na binatang opisyal ng Magdalo, si Tinyente Mateo Villanueva, na kilala rin sa kaniyang pagiging asintado - ngunit kalakip noon ay ang kaniyang madilim na lihim mula sa mga taong kaniyang pinahahalagahan. Isang madilim na sikreto na ninais niyang ibaon nang makilala ang isang dalagang batid niyang hindi niya kailanman maaabot, si Senyorita Maria Soledad Tuazon y Rivera. Hindi pa ba huli ang lahat para sa binatang sundalo, o ito ang tuluyang sisira sa kaniyang mga paninindigan, sa karapatan niyang umibig, at sa pagkakaibigan? Sa kasalukuyan ay hindi inasahan ng gurong si Fred Salvacion ang katotohanang dala ng nakaraan. Sa Gunita Plumalope
Sa Takipsilim by Plumalope
Plumalope
  • WpView
    Reads 8,722
  • WpVote
    Votes 404
  • WpPart
    Parts 52
[Rebolusyon Duology #1] Batid nating mayroon nang mga librong pangkasaysayan ang nabasa na natin noong elementarya, hayskul, o kahit kolehiyo. Tinukoy sa mga libro ang pananakop at rebolusyon- ngunit hindi pa kailanman nabanggit ang pighating idinulot nito sa dalawang taong nais lamang magmahal at mahalin. Naroon sa nakaraan ay ang batang opisyal ng hukbong rebolusyunaryo sa ilalim ng Magdalo. Maraming naging pangamba ang Koronel Miguel Valenzuela ukol sa kaniyang tungkulin, sa paninindigan, at prinsipyong kalakip nito. Makakahanap ba siya ng espasyo sa kaniyang puso para kay Lucia, isang binibining malayo ang estado sa kaniya? Sa kasalukuyan, si Solianna ay namumuhay lamang nang normal, nang magkaroon siya ng mga alaalang tila hindi naman sa kaniya- o iyon ang kaniyang inakala. GENRE: Historical Fiction/Romance Novel Nagsimula: 11 Nov 2021 Natapos: 23 Mar 2023 [HIGHEST RANKING: #2 - historical fiction (12-19-2025) #1 - philippinehistory (08-12-2025)] Sa Takipsilim ©Plumalope 2021