Ingles_Eucus
She's Amana Solaine Vegas, an orphan. Pero kahit na ay nag-iisa na lang siya ay nagsumikap siyang makapagtapos ng pag-aaral at makapagtrabaho. Nakamit nga niya ito pero 'di niya alam na hahantong siya sa pag-o-over work dahil sa kagustuhang makapag-ipon para sa bubuohing pamilya. Kaso pano niya 'to gagawin kung walang natitipuhan sa kaniya? Wala nga bang nagkakagusto o nagbubulagan o manhid nga lang ba talaga siya? You see, maraming nahuhumaling at nagkakagusto sa kaniya kaso 'di niya namamalayan 'yon dahil ang nasa isipan niya lang ay trabaho, trabaho at trabaho. Hindi niya napapansin ang mga lalaking nagpapapansin sa kaniya kaya nauwing NBSB siya.
At dumating ang araw na nagpapabago sa buhay niya.... Ang mamatay sa edad na bente singko at mabuhay ulit sa ibang mundo, hindi bilang siya, kundi sa ibang katawan at katauhan.
_____________________
I hope you'll read and enjoy my story!
Paalala lang na kung may nabanggit man dito na hindi kaaya-aya sainyong pananaw at saloobin ay huwag niyo po sanang i-report o i-bash ito. Baguhan lang po ako kaya marami talagang pagkakamali ang sinusulat ko.
Tandaan niyo pong pinaalalahan ko na kayo, kaya sana naintindihan niyo, salamat!
Story started: Feb 27, 2025
Story ended: