dreame_rie
Gamit na gamit na ang kasabihang 'kahit ang alikabok ay nakakapuwing din' ngunit nananatiling tila bago parin sa bawat araw natin ang diwa nito ng masasalamin sa realidad.
Hindi ito basta-basta kwento lamang ng pag-ibig, pamilya, at buhay. Ito ay kwento nang bawat paghihirap, pagsubok sa buhay ng isang babaing minsa'y pinagkaitan ng kapalaran.
_____________
Umabot ka na ba sa puntong kung gaano ka noon kadesperadong umangat at lumago ay ganoon ka rin naging desperadong tumakbo paatras at lumaya sa pagkakabilanggo. Pagkakabilanggo sa sariling multo, sa obligasyong hindi nan dapat para sa iyong ngunit pinipilit na sa'yo ay ipako, sa pagmamahal na akala mo'y paraiso-yun pala'y puros pagbabalatkayo. At higit sa lahat, lumaya sa sariling expektasyon, sa sariling repleksyon.
Kung oo, wag kang mag-alala lubos kitang nauunawaan, batid ko ang sakit, sa higpit, at ang pait sa sariling pagkakasakal. Kaya kung nababasa mo na ito, nais ko lang iparating sa'yo-mahal ko, hindi ka nag-iisa. Na kahit sa kabilang dako ng mundo may isang taong nakikinig sa mga bulong mo sa tala, at lumuluha kasabay mo tuwing umuulan.
Ako nga pa si Dzhwella del Morre, ikinagagalak kong makilala ka aking kaibigan. Maligayang pagdating sa aking mundo!! Halina't sabay nating tuklasin at harapin ang mga latigong sa atin nagpayuko. At nawa'y sabay nating maitaas ang tingin sa mundo, at hindi kailanman babalik sa lupa ang pagdapo.