When Love Finds You in San Roque
krizink
Ithiel Nevaeh E. Castillo never planned to stay long in San Roque, ang maliit na bayan kung saan halos lahat ng tao magkakakilala. Summer break lang dapat pero dahil sa utos ng parents niya, kailangan niyang magbakasyon at "magpahinga" sa probinsya kasama ang lola Yen niya.
Problem is... paano ka magpapahinga kung ang mismong kapitbahay ni Lola ay si Ian Zachary Alvarez ang resident Mr. Perfect ng bayan? Gwapo, matulungin, lahat ng nanay bet para sa anak nila, at lahat ng tindera sa palengke kilala ang pangalan niya.
Ang masama pa, mukhang kontrabida si Ithiel sa paningin ni Ian. Clumsy siya, noisy, at walang filter kung magsalita. Pero sa mga pakialamera nilang kapitbahay, tila "destiny" raw na magkasundo sila. Minsan nag kaka bungguan sila.
Sa dulo, mapapaisip si Ithiel: minsan, hindi mo pala kailangan ng malaking lungsod para mahanap ang grand romance. Minsan, sapat na 'yung maliit na bayan... at isang kapitbahay na nakakaasar pero palaging nandoon.
"When Love Finds You in San Roque" - isang lighthearted, funny, and nakakakilig na small town romcom tungkol sa dalawang taong laging nagbabanggaan, hanggang matutunan nilang baka hindi lang tsamba ang lahat ng iyon.