GaelAragon_22
- Reads 1,003
- Votes 52
- Parts 14
Nang mamatay si Don Fernando, ang lolo ni Baltimore Javier, isang sikat na race car driver sa Amerika, napilitan siyang umuwi sa Pilipinas para pamahalaan ang naiwan nitong hacienda, ang Hacienda Filemona. Ang akala ni Baltimore, makukuha niya ang mana sa simpleng pamamaraan, ngunit hindi pala. Iyon ay dahil sa dati niyang kababata na si Mary o Mariana Macaspak. Ang babaeng patay na patay noon sa kaniya.
Ang balak ni Baltimore, ibebenta niya ang lupain ng kaniyang lolo at babalik muli sa Amerika. Ngunit, isa lamang palang patibong ang pag-uwi niyang iyon. Dahil may kondisyon pala ang kaniyang lolo. Kailangan muna niyang matuto ng mga gawain sa hacienda, bago ito tuluyang mapasa-kaniya. At ang naatasang magturo sa kaniya ay si Mary, na hindi niya alam kung bakit bigla na lang nanlamig.
Paano nga ba niya magagawa ang gusto niya kung baliktad na ang nangyayari? Siya na nga ngayon ang nahuhulog sa babae. Subalit, magagawa ba niyang palambutin ang puso nitong minsan na niyang winasak?