_zkyblu
- Reads 26,988
- Votes 884
- Parts 42
"Pareho pa rin ba tayo tulad ng kahapon?"
Iyon ang tanong na paulit-ulit kong itinatanong sa sarili ko habang pilit kong hinahawakan ang mga alaala nating dalawa. Naaalala ko pa ang unang araw na nagkakilala tayo. Ang mga ngiti mo, mga yakap mo, at kung paano mo ako minahal na parang walang katapusan. Ikaw ang naging tahanan ko, ang pahinga ko, at ang pinakamagandang parte ng buhay ko.
Akala ko noon, sapat na ang pagmamahal para manatili ang isang tao. Pero nagkamali ako. Dahil sa isang araw, iniwan mo ako sa mundong puno ng alaala mo. At mula noon, natutunan kong mabuhay habang dala-dala ang sakit ng pagkawala mo.
Paulit-ulit kong binubuhay sa isip ko ang dating tayo, umaasang kahit papaano ay maramdaman pa rin kita kahit alam kong hindi ka na babalik. At doon ko naintindihan na may mga pagmamahal talagang hindi nawawala, kahit mawala na ang taong minamahal mo.
It's you, Blake Nathan Buenavinz Alvero.
The man who became the most beautiful part of my yesterday and the most painful piece of my forever.