Connection of hearts series my favorite!
3 stories
Date to Marry (Connection Of Hearts Series #2) by Wood_Turned_Pen
Wood_Turned_Pen
  • WpView
    Reads 9,834
  • WpVote
    Votes 2,385
  • WpPart
    Parts 38
Teaser Siya ikakasal? Parang may dumating na unos ng marinig ang sinabi ng ama. As if naman papayag sya. Oo nga at nasa hustong gulang na sya, maaari na syang magpakasal pero nasa hustong gulang na din sya para magpasya para sa sarili nya, kung kelan nya gustong magpakasal at kung kanino nya gusto. Isa pa, Hindi pa sya sawa sa buhay single para lumagay sa magulong sitwasyon! Sino bang may sabi na ang pagpapakasal ay paglagay lang sa tahimik? Pero makakatutol pa ba sya kung nasa alanganin ang kanilang kumpanya at ang kalusugan ng kanyang ama? Makakatutol pa ba sya kung gwapo, matangkad at makisig ang pakakasalan nya? "Wait, pwede ko naman sigurong puriin pero hindi ibig sabihin nun gusto ko nang magpakasal." Mabuti na lang may kahambugan ang lalake, baliwala na sa kanya ang ibang magagandang katangian nito. Kaya lang hanggang saan aabot ang kanyang pambabaliwala?
Dati pa, Mahal na kita! (Connection of hearts series #1) by Wood_Turned_Pen
Wood_Turned_Pen
  • WpView
    Reads 2,354
  • WpVote
    Votes 766
  • WpPart
    Parts 25
Teaser "Mahirap masanay sa isang bagay na alam mong pwedeng mawala anytime. Yung hindi ka sigurado kung magtatagal kasi wala ka naman pinanghahawakan." Ito ang mga katagang inulit-ulit ni Linver sa isip, para hindi mahulog sa karisma ng kababata. Si Tony mismo ang nagsabi niyon. Nung minsan marinig nya ang pakikipag-usap nito sa isang kaibigan. Nagkagusto ito kay Monica, isa sa mga muse nila at campus crush noong high school. Kung nawalan ito ng pag-asa sa taong nagustuhan ay ganun din ang damdamin nya para dito. Simula noon ang mga katagang iyon ang ginawa nyang pangharang para hindi mahulog ang loob sa kababatang aaminin nya na naging crush nya noon. Nakalimutan na nya iyon.. Pero paano kung mag multo ang damdamin na matagal na nyang pinatay para dito? Hanggang kailangan i-epekto ang mga katagang iyon? Kung lagi ito sa tabi nya. Kung lagi itong nakasalo sa tuwing may mangyayaring masama sa kanya. Mapipigilan ba nya ang sarili? lalo na't.. Dati pa, Minamahal na nya ito.
I will find you, even in the dark. (Connection of hearts Series #3) by Wood_Turned_Pen
Wood_Turned_Pen
  • WpView
    Reads 171
  • WpVote
    Votes 58
  • WpPart
    Parts 4
Teaser Bunso sya at sya ang dú shēng nǚ (Unica Hija) ng kanyang pamilya. At dahil mayaman sila naging napakadali sa kanya ang makuha ang mga bagay na gusto nya. Nagbago lang naman yon ng makilala nya ang isang binata. Nung una ay curious lang sya dito, dahil mukha itong lampa at mahina, Laging nakasalamin na parang isang nerd, pero laking gulat nya ng makita itong tumalon sa mataas na pader ng kanilang school. Talagang namangha sya at bumilib kaya simula noon lagi na nya itong inaabangan tuwing tatakas ito at lalabas ng kanilang school. Hanggang Isang araw, nalaman nya na kilala pala ito ng kanyang gēge (older brother) at ng kanilang pinsan na si Rick. Naging madalas ang kanilang pagkikita ng lagi na itong kasama ng kanyang kuya at pinsan. Naging madalas ang pagpunta nito sa kanila. Hindi nagtagal ay nagkakilala din sila at habang lumilipas ang mga araw napansin nya na bumibilis ang tibok ng puso nya tuwing kasama ito. Gusto nya ang masayang pakiramdam na iyon pero buhat ng mangyari ang isang trahedya na gumimbal sa kanilang lahat ay lagi ng malungkot ang puso nya tuwing makikita ito. Naging mahirap makuha ang saya at kaligayahan na tanging gusto nya. May pag-asa pa kaya na bumalik sila sa dati?