jeyescribe
- Reads 3,299
- Votes 252
- Parts 26
Palaging nasa gitna si Natasha Phoebe Alonzo.
Gitna ng isang tahimik pero mabangis na giyera ng pamilya. Gitna ng mga desisyong hindi niya kailanman pinili pero siya ang kailangang magdala. Gitna ng mga sugat na hindi sa kanya nagsimula pero sa kanya palaging natatapos. Minsan hilom, minsan sugat na muling dumudugo.
At sa tagal ng panahon, natutunan na niyang mamuhay sa katahimikan, sanay na walang pumipili sa kanya, kaya natutunan na rin niyang huwag pumili. Hanggang sa dumating ang dalawang pusong marahang gumising sa kanya. Isa ay apoy, matindi ngunit magaan at imposibleng hindi mo maramdaman. Habang ang isa ay umagang mabigat at mahirap bitawan.
At sa unang pagkakataon, naintindihan niyang hindi na sapat ang manatili sa gitna. She understood that love isn't about choosing who's right for you, it's about asking if you're finally brave enough to choose for yourself.
Because sometimes, love lives in the space between what warms you... and what haunts you.