anonimaximum
- Reads 28,759
- Votes 53
- Parts 16
Sa mata ng maraming tao, si Maya ay isang huwarang anak-matalino, masipag, at may pangarap na maging abogado. Lumaki siya sa gitna ng kahirapan, sa isang maliit na bahay sa eskinita, kasama ang dalawang magulang na handang gawin ang lahat para sa kanyang kinabukasan. Sa araw, mga tindero sila sa palengke. Sa gabi, sila ang tagapangasiwa ng isang ilegal na torohan sa ilalim ng kanilang bahay.
Alam ni Maya ang lahat-ang baho ng realidad na nakatago sa ilalim ng kanilang tahanan. Pero sa kabila ng lahat, pinipili niyang mangarap.
Hanggang kailan siya mananatiling malinis kung ang mundong ginagalawan niya ay dahan-dahang sinisira ang kanyang pagkatao? Hanggang saan ang kaya mong ibigay para sa pangarap, kung pati ang sarili mong katawan ay sinisingil ng tadhana?
Isang mapait na paglalakbay sa pagitan ng dangal, pag-ibig, at mga desisyong hindi na maibabalik.
Hindi libre ang mangarap.