Standalone
2 stories
Mula sa Simula by feawond
feawond
  • WpView
    Reads 23
  • WpVote
    Votes 1
  • WpPart
    Parts 4
Anila, nasa kanya na ang lahat. Pero kung si Nicholas ang tatanungin, isang puwang ang bumubuo sa pagkatao niya. At wala siyang balak na punan ito. Handa siyang alagaan 'yon habambuhay. Ngunit sa tuwing tumatahimik na ang gabi, nagwawala ang puso niya--humihingi ng saklolo. Naghahanap ng maaaring isalpak sa malaking butas na ayaw niyang tapalan. Pinapakinggan lang ito ni Nicholas, walang balak tulungan. Dahil ang gusto niya, nandoon lang ang puwang. Ang lamunin siya nito, lunurin . . . hanggang sa huling hininga. Alam niya kung ano ang gamot sa pagkukulang na 'yon, dahil 'yon din ang lumikha rito. Hindi niya lang alam kung paano hahanapin, ngayong ang layo na ng narating niya. Ang daan pabalik sa buhay niya bago ang puwang . . . malabo na. STANDALONE NOVEL. Book Cover by Micah Plete