mizz_shane
"She was the anchor, I was the storm."
Magkaibang mundo. Isang Hacienda. Isang lihim na pilit binabaon ng panahon.
Si Andra Cain, ang tagapagmana ng Hacienda de Cain, ay lumaki sa mundo ng karangyaan, maganda, magalang, ngunit palaging nakakulong sa mga patakarang hindi niya pinili. Sa kabila ng ganda ng kanyang paligid, tila may laging kulang sa kanyang mga mata, isang lungkot na hindi niya kayang ipaliwanag.
Si Petter Magalso, anak ng hardinero, ay lumaki sa kabilang dulo ng mundong payak, puno ng pangarap, at may layuning makaahon sa buhay. Hanggang isang araw, isinama siya ng kanyang amang si Mang Pekeng upang tumulong sa hardin ng hacienda.
Tahimik ang simula. Pero ang pagkikita nila ni Cassandra ay tila matagal nang isinulat ng tadhana.
"Bakit parang kabisado ko ang lugar na 'to?"
"At bakit may lungkot na hindi ko maipaliwanag?"
Hanggang sa nakita niya ito, isang dalagang nakatayo sa balkonahe ng lumang hacienda. Mahaba ang buhok, suot ang puting bestida, at isang ganda na hindi mo malilimutan. Ngunit sa kabila ng kagandahan... tila patay ang kanyang mga mata.
May tinatagong sugat ang lupaing ito. At sa muling pagbukas ng mga pintuan ng Hacienda de Cain, mabubunyag ang mga tanong na matagal nang nililibing:
Ano nga ba ang nakaraan ni Cassandra?
At bakit parang matagal na silang magkaugnay, kahit ngayon pa lang sila nagkita?
---
@Mizz_shane
JUNE 2025