PEÑAFRANCO BROTHERS
14 stories
PEÑAFRANCO BROTHERS: LHEO by jane_laurel
jane_laurel
  • WpView
    Reads 632,384
  • WpVote
    Votes 13,239
  • WpPart
    Parts 32
Si Tamara Rivera-hindi niya tunay na pangalan-ay isang babaeng walang identidad. Mula nang iwan siya ng kanyang ina sa tarangkahan ng asyenda Peñafranco, nagsimula ang bagong buhay niya sa ilalim ng mga taong umampon at nagpalaki sa kanya. Nagbago ang kanyang mundo, at kasama nito ang paghahanap niya sa sarili niyang pagkakakilanlan. Sa paglipas ng panahon, umibig siya sa panganay na anak nina Senyor at Senyora Peñafranco-si Lheo, na noon ay nagluluksa pa rin sa pagkamatay ng kanyang unang asawa. Isang pag-ibig na tila hindi dapat mangyari: isang sakada at isang maharlika, dalawang taong galing sa magkaibang mundo. Maraming humadlang sa kanilang damdamin. Isang pag-ibig na bawal, pinipigilan ng lipunan at ng mga pangyayaring hindi nila kontrolado. Makakaya kaya nilang lagpasan ang pagsubok at ipaglaban ang kanilang pagmamahalan?
PEÑAFRANCO BROTHERS: ESTUDE by jane_laurel
jane_laurel
  • WpView
    Reads 1,080,008
  • WpVote
    Votes 18,702
  • WpPart
    Parts 38
Sawi si Klara sa kanyang unang pag-ibig. Pitong taon ang tila nasayang dahil sa isang pagkakamali ng lalaking minsan niyang minahal. Mahigit isang taon na ang lumipas, at para sa dalaga ay wari'y isang dekada na ang nakaraan mula nang maganap ang lahat. Hanggang sa makilala niya ang guwapo at makisig na doktor-si Estude Peñafranco, pangalawa sa anim na magkakapatid at anak nina Donya Elena at Don Pascual. Hindi maipaliwanag ni Klara ang kakaibang atraksyong kanyang nararamdaman sa tuwing ito'y malapit at ngumingiti sa kanya. Mula nang masawi sa pag-ibig, nagsimulang mangarap si Klara na balang araw ay may darating na makisig, guwapo, at mayamang lalaking tutupad sa kanyang mga pangarap. Si Estude na kaya ang lalaking matagal na niyang hinihintay, o isa lamang itong makamundong pagnanasa na nag-uugnay sa kanila? Matatagpuan na kaya niya ang tunay na pag-ibig sa piling nito?
PEÑAFRANCO BROTHERS: HEROS by jane_laurel
jane_laurel
  • WpView
    Reads 1,798,722
  • WpVote
    Votes 29,861
  • WpPart
    Parts 40
Pihikan ang puso ng dalagang si Christina Asuncion nang magkrus ang landas nila ng guwapo at enigmatikong si Heros Peñafranco, ang ikatlo sa Peñafranco Brothers. Sa unang paghihinang pa lamang ng kanilang mga mata at pagdampi ng kanilang mga balat, dama na niya ang malakas na atraksyong namumuo sa pagitan nila. Ngunit hindi niya ito agad napansin dahil sa dami ng mga bagay na gumugulo sa kanyang isipan. Nang tuluyan namang magising ang ningas ng apoy sa kanyang dibdib, labis ang pag-aalab nito. Laking pagtataka niya nang mapansing kakaiba na ang kanyang nararamdaman para sa binata. Matinding atraksyon lamang ba ang lahat, o unti-unti na nga ba siyang umiibig dito?
PEÑAFRANCO BROTHERS: RUDE by jane_laurel
jane_laurel
  • WpView
    Reads 2,001,417
  • WpVote
    Votes 34,213
  • WpPart
    Parts 56
Sa murang edad ay natutuhan ni Maxene Dela Questa na ang pag-ibig ay hindi pala laging panghabambuhay. Dahil sa mapait niyang nakaraan, lumaki siyang may hinanakit sa salitang minsang sumira sa kanilang pamilya. Nangako siya sa sariling hinding-hindi siya matutulad sa kanyang inang nasaktan at nasira dahil sa pag-ibig. Ngunit ang bata at walang dungis niyang puso ay mabibihag ng isang sinikal at bagamundong lalaki-ang pang-apat sa anim na magkakapatid na Peñafranco. Si Rude. Kasing-bastos at gaspang ng kanyang pangalan ang ugali nito. Magagawa pa kaya ni Maxene na iwasan ang tukso ng atraksyon, kung si Rude na mismo ang gumagawa ng paraan upang mabuwag ang lamig na matagal nang bumabalot sa kanyang puso?