NeverSplitUp
- Reads 1,266
- Votes 57
- Parts 28
Kung may isang lalaking hindi makalimutan ni Eurika,iyon ay si Mark Castro,her first crush and first love.Fourteen years old lamang siya noon at grade 8 student nang mapagtanto niyang umiibig siya sa kanyang guro sa mathematics.Hindi katangkaran,chinito,maputi,responsible, thoughtful,mahinahon,masipag,magalang at gwapo.Mga katangiang naging dahilan upang lihim na mahalin ni Eurika si Mark,pinilit at kinaya niyang ikubli ang pag-ibig na nadarama para rito.Ngunit sa bawat araw na lumilipas ay sadyang umiigting ang pagtinggin niya para sa guro. Hanggang sa maipit sila sa sitwasyong kailangan nilang magpanggap bilang magkasintahan sa kanyang mga kaklase,guro at sa harap ng maraming tao noong kasalukuyang fourth year student na siya at  disisiyete anyos .
Hindi inakala ni Eurika nahahantong ang lahat sa ganito.Hindi niya inasahan na ang fairytale na dating sa panaginip lamang nangyayari ay nagaganap na sa reality.Na ang bawat panalangin niyang makasama ang matagal na niyang lihim na iniibig ay nagkatotoo na rin sa wakas.Ngunit agad siyang nagising nang mamulat siya sa katotohanang pawang pagpapanggap lamang ang lahat.Na kailanman ay hindi siya susuklian ni Mark ng kahit kaunting pagtinggin at kahit na makuha siyang mahalin dahil ang puso nito ay iba na ang nagmamay-ari….
Four years later,muling nagkrus ang kanilang mga landas.Muli kayang maramdaman ni Eurika ang pagmamahal para kay Mark?O muli na naman niya itong iiwasan at tatalikuran?Maaari kayang gamutin ng panahon at dating pag-ibig ang sakit na nanahan sa puso ng bawat isa?Gaano kaya katotoo na ang true and first love never dies?