danlextan
Nilikha ng Diyos na si Elyon ang huling mundo na tinatawag na Akra'in at binigyan ang bawat akhayan ng Shavran, isang Banal na Piraso na nagliliwanag sa loob ng kanilang puso.
Mula sa kanila ay hinirang ang mga Kael'thar, mga akhayan na may kakayahang gawing sandata at proteksyon ang liwanag na nanggagaling sa Shavran.
Ngunit ang unang hari na si Zahrael ay nagkasala at pinarusahan at ikinulong sa ikalaliman, kung saan nag-iwan siya ng isang nakakatakot na propesiya: ang kanyang muling pagbabalik upang wasakin ang mundo.