Veolifeink
Hindi lahat ng kwento ng pag-ibig ay nagtatapos sa kaligtasan. Ang iba natatapos sa sakripisyo.
Si Caelistra Novarienne Montavara ay ipinanganak sa kapangyarihan isang mundong binuo sa dugo, utos, at katahimikan. Bilang tagapagmana ng isang makapangyarihang crime syndicate, natutunan niyang mahalin ang kontrol at iwasan ang emosyos. Sa mundong kinagisingan niya, ang pagmamahal ay kahinaan, at ang tiwala ay isang luho na hindi kayang bilhin kahit ng milyon.
Hanggang sa dumating siya.
Si Matteo Valente Corsini isang lalaking kasing delikado ng mundong ginagalawan nila. Matalino, mapanganib, at handang sunugin ang sariling kaharian para sa babaeng hindi kailanman humiling ng kaligtasan. Sa pagitan ng mga lihim, alyansa, at digmaang walang pangalan, natagpuan nila ang isa't isa hindi bilang pahinga, kung hindi bilang kapalaran.
Ito ay kwento ng pag-ibig na hindi iniligtas ang mundo.
Isang pagmamahalan na hindi naging ligtas, hindi naging madali, at hindi naging patas.
Wala itong tradisyonal na happy ending.
May dugo. May pagkawala. May kapalit.
Ngunit sa gitna ng trahedya, may isang uri ng kaligayahan-ang malaman na minahal ka ng buo, lahit sandli lang. Na may isang taong pumili saiyo, kahit alam niyang iyon ang magiging wakas niya.
Dahil minsan, ang pinakamasayang wakas ay hindi ang magsama-kung hindi ang mapili, kahit pa ang kapalit ay ang lahat.