aliksis's Reading List
5 stories
Ashereth | A Chronicle | Ongoing by kembing
kembing
  • WpView
    Reads 18,377
  • WpVote
    Votes 922
  • WpPart
    Parts 29
Mahilig ka ba sa ulan? Nakakaramdam ka ba nang kapanatagan sa t'wing maririnig mo ang malakas na lagaslas na patak nang ulan sa matibay ninyog bubong? Gustong-gusto mo ba 'yung malamig at preskong pakiramdam na bumabalot sa buong paligid tuwing sumasabay ang malakas na ihip nang hangin kapag ganitong masungit ang panahon? Sinasabayan mo rin ba nang kape? O mainit na sabaw nang sopas o 'di kaya'y mami? Anong pangontra sa lamig ang ginagawa mo tuwing umuulan? Soundtrip? Magmuni-muni? Panoorin ang malakas na patak nang ulan sa labas habang tahimik kang nakadungaw sa mamasa-masa n'yong bintana? Kaparehong-kapareho mo si Van, isang simpleng binatang namamasukan sa isang maliit na mamihan. Gaya mo eh, paborito rin n'ya ang panahon nang tag-ulan; dito s'ya nakakakuha nang konsentrasyon-dito s'ya nakakapag-isip. Dito s'ya nakakaramdam nang kapanatagan... Pero, paano kung isang araw... Pagkatapos mong magising mula sa preskong pagtulog, sa mahaba at maaliwalas mong paghimbing ay magising ka sa isang mundo kung saan maraming kakaibang nilalang ang nabubuhay? Mga makinaryang pinapagana nang mga nagliliwanag na bato, mga halimaw na anino, mga taong may kakayahang gumamit nang iba't ibang klase nang mahika... Gulat na gulat ang binatang si Van, nang masaksihan niya ang lahat ng ito. At ito, ay kagagawan nang isang malakas at nakakapanatag na buhos nang ulan.... --- Ashereth (A Chronicle) Written by: M.K. Brugada Copyright: 2016 All Rights Reserved
Arentis 3 | Propesiya | Ongoing by kembing
kembing
  • WpView
    Reads 31,334
  • WpVote
    Votes 1,590
  • WpPart
    Parts 23
Kumalat na ang balita patungkol sa muling pagkabuhay ng halimaw na dati ng naminsala at muntikan ng umubos sa mga nilalang na naninirahan sa kaharian ng Arentis--si Minukawa. At dahil sa balitang ito'y muling umusbong ang usap-usapan sa propesiyang inilahad ng yumaong manghuhula na si Pelayon sa reyna ng Arentis... Subalit... Papaano kung hindi lamang si Acacia ang nakakaalam ng propesiyang ito? Papaano kung may ibang mga tao pa pala ang nakaaalam sa propesiyang inilahad ni Pelayon? Papaano kung hindi lamang sina Gayle, Paolo at Kelvin ang tatlong taga-lupang hinirang? Papaano mapapatunayang totoo ang propesiya? --------------------------- Ito na po ang huling libro ng Arentis! Sana po ay magustuhan ninyo ito. Samahan n'yo pong muli sina Kelvin, Gayle at Paolo sa kanilang huling paglalakbay sa mahiwagang mundo ng Arentis :) --------------------------- Arentis [3] [Propesiya] Written by: M.K. Brugada / @kembing ©2015 ALL RIGHTS RESERVED ---------------------------
Arentis II | Tribong Uruha | Completed | Currently Editing by kembing
kembing
  • WpView
    Reads 155,481
  • WpVote
    Votes 7,714
  • WpPart
    Parts 69
Isang nakakatakot na alamat tungkol sa isang nilalang na kayang wasakin ang mundo at ibigay sa mga tao ang isang kalunoslunos na kamatayan, ang mabilis na kumakalat sa buong Arentis. Marami ang hindi naniwala, sa pag-aakalang isa lamang itong alamat na madalas gamitin ng mga magulang upang takutin ang mga anak nila para matulog o umuwi ng maaga sa gabi. Oo nga naman. Sino nga ba ang naniniwala sa alamat? Lalo na sa alamat ng nilalang na 'yon? Walang sinuman ang may taglay ng ganoong kapangyarihan at kaalaman. Walang sinuman ang nabahala... Walang sinuman ang naniwala... Iyon ang kanilang pagkakamali. ------------------------------------------------------------------------------------------ P.S. Ikalawang libro po ito ng Arentis. Mas mabuti po kung uunahin n'yong mababasa 'yung book [1] bago ito para hindi po kayo malito :) ------------------------------------------------------------------------------------------ Arentis II - Tribong Uruha M.K. Brugada / kembing ©2015-2016 All Rights Reserved
Arentis I | Ang Orakulo | Completed | Currently Editing by kembing
kembing
  • WpView
    Reads 148,756
  • WpVote
    Votes 6,693
  • WpPart
    Parts 39
Patintero, Tagu-taguan, langit-lupa, jack-en-poy at habulan... Ilan lamang 'yan sa mga madalas nating laruin, buong maghapon maghapon tuwing bakasyon. Ngunit papaano kung isang araw ang lahat ng ito ay mapapalitan ng pag-akyat ng bundok, pagtawid sa mga batis, pagsakay sa lumilipad na barko, pakikipaghabulan sa mga engkanto at elemento at pakikipagsapalaran sa isang kaharian na kung saan dalawa ang araw na simisikat at dalawang buwan ang lumulubog. Sa isang kaharian na kung tawagin ay Arentis. Papaano kung ang buong bakasyon mo ay mapunan ng mga ganitong pangyayari? Anong gagawin mo? *** First time ko po sa Wattpad, sana po ay magustuhan ninyo ang kwento ko. Pasensya na rin kung may mangilan-ngilang malalalim na tagalog. Taga San Pablo e :) P.S. May music po sa media section. Para lang mas exciting magbasa. :) M.K. Brugada / kembing ©2014-2015 All Rights Reserved.
Si Milo at ang Kwaderno (Book 1 Now Available for Pre-order) by JohnPolicarpio
JohnPolicarpio
  • WpView
    Reads 746,734
  • WpVote
    Votes 46,585
  • WpPart
    Parts 69
Anong gagawin mo kapag natuklasan mong hindi ikaw, ikaw? Malabo di' ba? Okay lang. Kahit si Milo nalalabuan din. Mula sa normal at nakakabagot nyang buhay kung saan ang pinoproblema nya lamang ay ang buod nya sa Noli, ang gurong gawa sa biceps na si Taguro, isang mabahong siga, ang ultimate crush nyang si Makie, isang paulit-ulit na panaginip, at tutchang na naghe-hello world, sa isang kurap natuklasan nya ang sarili nyang nasa gitna ng isang digmaan ng mga sinaunang pwersa sa modernong panahon. Kung saan isa siya sa pangunahing piyesa na magiging susi ng kaligtasan o kapahamakan ng buong mundo. Nakakapressure ba? Wala pa yan. Nalaman din nyang isa siya sa bagong henerasyon ng mga Napili na tinutugis ng isang organisasyon dahil sa kakayahan nilang gamitin ang mga bertud na may kakaibang kapangyarihang kapag nahinang ay kayang pamunuan ng isa ang buong mundo. Samahan pa ng pakikialam ng mga nilalang ng sinaunang Pilipinas na inaakala lang natin sa lumang konteksto lang matatagpuan, pati narin mga importanteng tao ng kasasayang akala natin matagal nang patay. Magulo? Oo, pati nga ako nalilito eh. Mula sa korning panulat ng malikhain (at maruming) utak ni John Policarpio, samahan natin sila Milo, ang henyong si Tifa, misteryosang si Makie at ang bantay na si Jazz (o kahit sila na lang, wag na tayong idamay) sa isang epikong paglalakbay sa moderno nating mundong puno ng misteryo, pakikibaka, mahiwagang armamento, diyos at diyosa, diwata, bayani, mababahong kampon ng karimlan, mga patay na buhay, engkanto't lamang lupa at iba pa. Para sa pagtuklas ng mga sikreto ng ating kasaysayan, at tunay na katauhan ng mga Napili, habang nakikipagtungalian sa mga nilalang na nais kumitil sa kanila. And to promote world peace nga pala. Rakenrol!