Judy_Leinub
Si Charlie ay isang kilalang gangster sa mundong kanyang pinagmulan-malupit, walang kinatatakutan, at sanay gumamit ng dahas. Inaabuso niya ang kanyang mga kaklase at sinumang taong masagasaan ng kanyang galit. Ngunit sa isang trahedya, matapos siyang barilin, doon nagtapos ang kanyang marahas na buhay.
O iyon ang kanyang akala.
Sa muli niyang pagdilat, natagpuan niya ang sarili sa katawan ng isang babaeng kontrabida sa ibang mundo-isang babae na kilala lamang sa pagpapapansin, paghahangad ng atensyon ng lahat, at desperadong pagkapit sa pagmamahal ng isang taong hindi kailanman magiging kanya, pati na rin sa pag-aaproba ng kanyang pamilya.
Mula sa isang gangster na kinatatakutan tungo sa isang kontrabidang kinamumuhian-paano babaguhin ni Xelle ang kapalarang nakatakda na sa bagong buhay na ito?