CrownedByLigth
Sa prestihiyosong UAE Academy, umiikot ang kwento nina Kurt Felix Hidalgo, isang disiplinadong STEM student, Student Council President, at palaging Top 1 sa klase, at Scarlette Eunice Magcamit, isang popular na HUMSS student na kilala sa kanyang kagandahan, pagiging pasaway, at bagsak na marka.
Isang hindi inaasahang pagtatagpo ang magbubukas ng serye ng banggaan, asaran, at tensyong unti-unting lalalim. Mula sa inis at pagtanggi, mabubuo ang isang delikadong ugnayan na pareho nilang itinatago.
Isang slow-burn dark romance na may halong komedya at kilig, kung saan ang pinakamahirap na laban ay hindi sa grado-kundi sa damdaming pilit iniiwasan.