pennielope
- Reads 277
- Votes 65
- Parts 16
Si Floreina Catalina "Reina" Carvajal Palacios ay kilala bilang isang babaeng tunay na pinagpala. Taglay niya ang kagandahan, katalinuhan, kabutihan, at nagmula sa isang marangyang pamilya na kilala sa husay sa iba't ibang propesyon at larangan.
Ngunit sa kabila ng lahat ng ito, mula pagkabata'y natutunan niyang mamuhay nang mag-isa sa isang madilim na mundong taliwas sa inaakala ng iba. Sa isang hindi inaasahang pagkakataon, makikilala niya ang lalaking gigising sa natutulog niyang puso at pagkatao. Ngunit sa pagdating ng dalawa pang lalaki sa kaniyang buhay, unti-unting naliligaw ang kaniyang landas.
Lingid sa kanilang kaalaman na ito ang magbibigay lamat sa kani-kanilang pamilya dahil sa hindi malamang kadahilanan. Ano nga ba ang lihim na nakakubli sa nakaraan? Mababago nga ba niya ang nakatadhana para sa kaniya?