Chronological (From year 2025 to present)
5 stories
Pintig by casacali
casacali
  • WpView
    Reads 672
  • WpVote
    Votes 122
  • WpPart
    Parts 53
Magkaibigan mula pagkabata si Mucho at Agnes. Siguro ay may mga pagkakataon sa buhay nila noong bata pa lamang na may iisang gamit silang pinagsaluhan gaya ng bote ng gatas -- baka may time nang naghati sila roon nang hindi na nila naaalala. May mga pagkakataon ding naamoy na nila ang morning breath ng isa't isa. May mga pagkakataon ding nakilala ni Mucho ang bawat naging nobyo ni Agnes. At may mga pagkakataon ding nasaksihan ni Agnes kung paano matawa ang kaibigan sa tuwing may aamin dito. May mga bagay ding pinagplanuhan nila ng sabay. May mga bagay ding alam na nilang mangyayari kahit hindi pa dumarating -- hindi nga lang ang paglalayo nila sa isa't isa edad na dise-siyete anyos. Kaya matapos ang labing walong taon na pagkawalay sa isa't isa, walang kontak o kahit ano, hindi na nila pinaglagpas na magpalitan ng mga salitang tila kelan lang nila nadiskubre. Saksi ang alon, buhangin, at bote ng kwatro kantos sa pagrolyo ng bawat kataga sa dila nila; pinakikinggan ang bawat salitang hindi nasabi sa mga nagdaang taong wala sila sa harap ng isa't isa. A dialogue epistolary, 2025 Status: Completed
I. Hindi Masama by casacali
casacali
  • WpView
    Reads 1,179
  • WpVote
    Votes 304
  • WpPart
    Parts 59
I. Hindi Masama [Ikaw] Mahilig ako sa pelikula. Wala lang, pampawala ba ng art block. 'Rang gago kasi minsan, ano? Sino ba kasi nagpasimuno n'ong art block? Mabuti na lang naimbento ang mga palabas. Maganda sa paningin. P'wede mong pagku'nan ng inspo. Pero meron talagang isang pelikulang tumatak sa akin, eh. Ang sabi kasi roon, sa bansang pinanggalingan niya, may paniniwalang nagsasabing hindi dumadapo ang mata mo sa mata pa ng isa-ang manggas mo sa balat nang isa-nang dahil wala lang. Malay mo nagkita na pala kayo nung nakaraan mong buhay kaya ngayon, pinagtagpo uli kayo nang may mas. . .makabuluhang dahilan. Nung una hindi ko ma-gets 'yan, pero dahil naging paborito ko iyong pelikulang 'yan, nakabisa ko na rin yata ang bawat linya. Tangina, tadhana lang pala. Eh kaso sa tunay na buhay, hindi naman ako naniniwala r'yan. Ika ko nga, destiny is damned. Pero minsan hindi ko rin maiwasang maisip na baka pinagtagpo na tayo ng tadhana noon. At malay mo . . . Malay mo lang naman. Makabuluhan ang tayo ngayon.
P. K. A. S. P. H. A. M. by casacali
casacali
  • WpView
    Reads 57
  • WpVote
    Votes 13
  • WpPart
    Parts 2
PANGARAP KO ANG (S̷I̷Y̷A̷) SUMAYAW PERO HINDI AKO MARUNONG A one-shot story Language: Taglish ©️ 2025