the_jester
-CURRENTLY UPDATING-
Kilala si Juana Maya Tecson sa Isla De Alpas bilang isang babaeng may mataas na pangarap-at sa kataasan nito ay nagiging ilusyonada na ito. Gustong-gusto na niyang makaalis sa nag-aalon nilang utang. Iyon ang naging dahilan kung bakit purisgido siyang magpakasal sa isang mayaman na lalaki.
Kahit matanda na kaya niya itong patulan-para saan pa at mamatay din naman iyon, hindi na siya dehado. Iyong na nga ang plano niya nang pumunta siyang Baryo De Velez. Sabi-sabi kasi nang napagtanungan niyang agency na nangangailagan daw ng caregiver ang isang matandang may-ari ng winery.
Iyon na ang hinihintay niyang breaktrough at ticket to milyones. Ang hindi nga lang niya inaasahan ay ang madadatnan niyang impyerno at sakuna sa buhay niya. Caregiver ba talaga ang kailangan ng lalaki kasi para kay Juana mas nangangailangan ang lalaki ng sundalong babaril dito para matapos na ang kalbaryo nilang dalawa.
Wala na nga ang ticket to milyones niya, mapre-presinto pa ang abot niya.
Ganun ba talaga kahirap pakisamahan ang isang Orlando De Velez?