XevireBuevo
Kilala si Georgina Celeste Soleil o Georg Celeste sa internet dahil sa kanyang mga inilalathalang artikulo patungkol sa mga haunted places. Tinagurian siyang HUNTRESS OF THE UNTOLD ng kanyang mga fans. Hindi lang dahil sa mga nakakatakot na kanyang isinusulat. Kung hindi dahil sa pagsisiwalat niya ng mga katotohanang ikinukubli sa mga tao. Pero kontra ang kanyang ama sa kanyang gawain. Nagbanta pa ito sa kanya na tatanggalan siya ng mana.
Ngunit hindi nagpasindak si Georgina. Ipinagpatuloy niya pa rin ang kanyang gawain. Mas mahalaga sa kanyang malaman ng lahat ang mga nakatagong lihim sa mga sinasabing haunted places. At magagawa niya iyon sa tulong ng kanyang kakayahang makita ang nakaraan ng bawat lugar, bagay, at tao mismo.
Kung ikaw ba si Georg, gagawin mo rin ba ang kanyang ginawa at ginagawa? Paano kung paglaruan ka ng iyong sariling isipan? Kakayanin mo kaya?