Daerite
Si Halia Slyndel Regaldo ay isang dalagang nasa gulang na dalawampung taon, na ang mga pangarap ay nauudlot sa ngalan ng praktikalidad dahil sa pagkawala ng kanyang ama.
Para sa kanya, ang pangarap na maging isang nars ay hindi lamang isang propesyon, kundi isang daan upang pagalingin ang mga sugat ng iba - mga sugat na dulot ng aksidente, ng mga hindi inaasahang pangyayari, ng sariling desisyon o pagkukulang ng mga taong nakapaligid, o mga sinadyang sugat, simbolo ng desperadong pagtatangkang maramdaman ang sakit na tila hindi matanggal. Ito'y mga sugat na nais makita, damhin, at tuluyang paghilumin sa puso at isipan.
Hindi siya naniniwala na ang mga sugat ay kusang nahihilom sa paglipas ng panahon. Para sa kanya, dapat silang lunasan kaagad, bago pa lumaki o lumalim. Ngunit sa kanyang pagbabalik sa nakaraan, siya mismo ang matututo mula sa panahon at oras kung paano ang mismong agos ng buhay ang magtuturo sa paghilom ng mga sugat na pilit niyang ginagamot.
Started: 03/28/2026