justherhighness
Isang himala ang muling pagkabuhay ni Anghelita Dela Cruz, kasama ng kaniyang ikalawang buhay ang mga kakayahang hindi kayang ipaliwanag ng siyensya. Nakakakita siya ng mga kaluluwang hindi matahimik. Nakaririnig siya ng mga tinig na hindi niya alam kung saan nagmumula. At kaya niyang pagalingin ang sugat at karamdaman ng mga nabubuhay pa.
Sa halip na itago ang kaniyang kakayahan, pinili ni Anghelita na gamitin ito upang imbestigahan ang mga kasong hindi kayang lutasin ng mga pulis-mga kasong nilamon na ng katahimikan, pero patuloy na sumisigaw ng hustisya. Sa tulong ng kaniyang 'koneksyon' sa kabilang dimensyon, haharapin niya ang limang lugar na may madilim na kasaysayan; mga lugar na pinamumugaran ng hiwaga, takot, at mga kaluluwang uhaw sa katotohanan.
Ngunit habang mas lumalalim siya sa bawat kaso, unti-unti ring nabubuksan ang mga piraso ng kaniyang sariling nakaraan. Isang nakaraang mas misteryoso, mas madugo, at mas konektado sa mga patay kaysa sa mga buhay.
Sino ba talaga si Anghelita Dela Cruz? Ano ang tunay na dahilan ng kaniyang muling pagkabuhay? At kapag ang katotohanan ay mas nakakatakot kaysa sa mga multo, handa ba siyang harapin ito?