Sepharrr
*Putangina mo, Jace! Akala mo kung sino kang gwapo! Manloloko! Sinungaling! Mamatay ka na sana sa konsensya mo, gago!*
Si Zephora Daniel Cruz ay isang second-year Architecture student na nabubuhay sa kape, UHU glue, at purong inis. Sa kagustuhang patunayan na hindi siya isang walking disaster sa harap ng mala-anghel at perpektong Student Council President, nagdesisyon siyang tumakbo bilang Events Committee Head. Ang problema? Wala siyang budget, wala siyang makinarya, at wala siyang kaibigan sa campus.
Enter Jace. Ang sikat, maangas, at mayabang na bokalista ng indie rock band na The Midnight Alibi.
Para manalo sa eleksyon, ginawa ni Zephora ang isang malaking sugal: in-ambush at na-blackmail niya ang rakista para maging opisyal na endorser niya. Pumayag si Jace, pero may kapalit na mahigpit na rules:
1. Hindi siya gumigising nang maaga.
2. Ililibre siya ng iced coffee araw-araw.
3. Kapag napagod siya, tapos ang kampanya.
Ang sapilitang pagsasama ng isang desperadang Arki student at isang pasaway na rakista ay nauwi sa isang maingay, magulo, at nakakabwisit na kampanya.
Pero paano humantong ang paboritong endorser ni Zephora sa pagiging pinakamalaking pagkakamali ng buhay niya na kailangan niyang isumpa nang live sa national radio?
Track 1 is playing...