inkarcane
Matagal nang crush ni Celina Ramirez si Enzo Del Rosario. Ang school heartthrob, lead vocalist ng sikat na campus band na Blue Jeans, at consistent pa sa dean's list. In short, total package.
Pero si Celina? Average lang. Hindi matalino, hindi rin kagandahan. Simpleng estudyante lang na mahilig manood ng banda at mangarap ng imposible. Alam naman niyang never siya mapapansin ni Enzo, pero heto pa rin siya, araw-araw nag-e-effort kahit pa minsan fan-girling level na talaga.
She knows it's a one-sided crush. Pero paano kung isang araw, maging kaklase niya si Enzo? At hindi lang 'yon. Seatmate pa!
Aba, kung ganun, mas lalo niyang pagbubutihin ang pag-aaral... baka sakaling, sa wakas, mapansin na rin siya ng binatang matagal na niyang iniidolo.