lykzkie's Reading List
20 stories
Haunter Files (Flash Fiction Horror Stories) by UHSHaunters
UHSHaunters
  • WpView
    Reads 3,087
  • WpVote
    Votes 152
  • WpPart
    Parts 24
May mga bagay na hindi nakikita, nararamdaman, at nalalaman ng iba. Ang mundo ay sadyang kakaiba at 'di kapani-paniwala. Ito'y puno ng lihim na nagkukubli sa dilim at bumubulag sa katotohanang hindi batid ng karamihan. Kaya mo bang tuklasin ang lihim ng mundo? Kakayanin mo ba ang kilabot na babalot sa iyo? Mag-ingat sa daang iyong tatahakin. Hindi biro ang mundong iyong papasukin. Narito ang Haunter Files Flash Fiction Stories na dadalhin ka sa mundo ng kababalaghan. Naglalaman ng mga kuwento na magdudulot ng kilabot sa iyong katawan. Ito ang mga kuwentong magpapatunay na may mga bagay sa mundo na hindi mo dapat makita, pero kailangan mong matuklasan. Ikandado ang pinto. Isarado ang bintana. Patayin ang ilaw. Humiga sa kama. At simulang magbasa habang ika'y nag-iisa!
Mystery in Island (Completed) by unfoundfears18
unfoundfears18
  • WpView
    Reads 39,953
  • WpVote
    Votes 2,405
  • WpPart
    Parts 50
Sa pagkawala ng isang babae kasama ang grupo nito, ay siya namang pagbukas ng isang lihim mula sa lugar na hindi pa natutuklasan ng karamihan. Isang Isla na sa angkin ganda'y kabaligtaran naman ang handog na ligaya. Narinig mo na ba ang umusbong na Isla ng Danayon? Kung hindi pa, halika't samahan akong maglakbay tungo sa pagtuklas ng mga sikreto, pagkatao, kababalaghan at magimbal sa katotohanang mabubunyag. Ano pa'ng hinihintay mo? Ihanda ang armas at lakas ng loob upang makalaban sa nakaambang pagsubok. ----- Mahilig ka ba sa adventure? Something na hindi lang puro saya kundi mga nakakatakot at nakakakabang paglalakbay. Kayang mo bang sumabay? Halika at pasukin natin ang Islang hindi mo pa napupuntahan, napapanood o nababasa kahit saan. Sabayan ang iba't ibang tao na ating magiging bida sa kanilang pakikipagsapalaran, mahanap at matagpuan lang ang matagal na nilang sinasaliksik. ----- Hindi po ako ganoon kagaling pero, subukan n'yo po munang basahin sa simula at samahan na rin ng wakas. Enjoy and Godbless po! 🤗🤗🤗 DATE: 2015 - 2016
Blackburn Forest Apocalypse by SEA_GM
SEA_GM
  • WpView
    Reads 12,102
  • WpVote
    Votes 1,339
  • WpPart
    Parts 25
Kapag inaya ka sa isang field trip sasama ka ba? Paano kung samahan nang isang milyon piso para lang sumama ka, sasama ka ba? Kaibigan, kaklase, at pamilya, Makikita ay luha sa kanilang mata, Hindi mo makikitaan ng tuwa, Hindi tubig ang luha bagkus dugo ang iluluwa. Milyon kapalit ang buhay nila, Milyon para lamang sa pag-ibig niya, Milyon ngunit buhay mo ang taya, Milyon na ang hatid ay panganib pala. Lumingon ka sa kanan at kaliwa, Mag-ingat ka baka makagat ka, Tumingin sa itaas at ibaba, Baka ikaw ay kanilang inaabangan na. Hahabulin ka nila? O hahabulin mo ang iyong hininga? Sumigaw ay aking paalala, Baka pumanaw ka ng maaga, Hindi makakita, ngunit malakas ang pandama, Makalmot ay magiging kagaya ka na nila, Makagat ay mas malala pa, Kaya mag-iingat ka, tumakbo ka na! Halina, kaibigan. Samahan mo kaming tuklasin kung ano nga ba ang lihim ng gubat na iyon? At sa pagsama mo sa amin, bilisan mo na rin ang iyong pagtakbo baka mahabol ka nila.
KAGUBATAN (COMPLETED)✔ by SulatKaliwete
SulatKaliwete
  • WpView
    Reads 57,156
  • WpVote
    Votes 1,124
  • WpPart
    Parts 16
Masayang bakasyon sana ang plano ng limang magkakaibigan ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay naging karumal-dumal ito. Napadpad ang kanilang sinasakyan na van sa kagubatan. Sa kabila nito ay may isang estranghero na handang kumitil ng buhay nila sa hindi malaman na dahilan. Makakaya ba nilang patayin ang estranghero na iyon? O tatakbo na lang sila hanggang sa sila'y makaligtas? Started: November 2018 Finished: February 2019 Watty awards 2019 winner🏆 sa kategoryang Mystery and Thriller 09/30/19
HIDE by coffeeverse
coffeeverse
  • WpView
    Reads 31,194
  • WpVote
    Votes 909
  • WpPart
    Parts 39
Paano kung ang bakasyong inyong matagal nang plinano't pinaghandaan ay mauuwi lamang sa kapahamakan, sa kamatayan? Maka-liligtas kaba? Kung ang iyong kalaban ay ang sarili mo ring kaibigan? - started: 02/03/19 ended: 10/27/19 THIS STORY WAS ORIGINALLY WRITTEN WAY BACK 2017. IT IS MADE BY A 16 YEARS OLD... SO I AM REALLY NOT A GOOD WRITER. I'M WISHING THAT YOU'LL ENJOY READING THIS... THANK YOU! written by: @jjaepeach cover by: @shiballovesyou
Z: Back To Life by DomskieAmare
DomskieAmare
  • WpView
    Reads 196,524
  • WpVote
    Votes 10,257
  • WpPart
    Parts 60
[COMPLETED] [UNDER REVISION] Pangyayaring hindi INAASAHAN Patay na nabuhay na hindi ka TATANTANAN Na tila nakikipaghabulan sa KAMATAYAN Paano kaya nila ito MALALAGPASAN? Ano nga ba ang tawag sa mga nilalang na kanilang TINATAKBUHAN? at meron ba itong HANGGANAN? ----- Subaybayan ang kanilang PAKIKIPAG SAPALARAN.
Matakot Ka! ( Book 4 ) by ElthonCabanillas
ElthonCabanillas
  • WpView
    Reads 33,291
  • WpVote
    Votes 657
  • WpPart
    Parts 32
Ano ang kaya mong gawin matupad lamang ang iyong pangarap? Maabot mo lang ang tagumpay na matagal mo nang inaasam. Makita ang taong iyong pinakamamahal. Matakbuhan ang problema na matagal mo nang iniiwasan. Ano ang kaya mong gawin? Handa ka ba sa magiging resulta nito? Kaya mo bang harapin kung ano man ang nag-aabang sa'yo sa dulo ng iyong paglalakbay? Ito ang matagal niyo nang hinihintay. Ang pang-apat na aklat ng Matakot Ka Series na naglalaman ng mga sariwa at bagong kwento na siyang unti-unting maghuhubad sa maskara ng kadiliman at dahan-dahang isisiwalat ang tunay na mukha ng kasamaan. Iba't-ibang kwento na magdadala sa'yo sa ibang mundo. Handa ka na bang iwan ang liwanag? Tungkol ito sa isang karakter sa sasamahan ka mula umpisa hanggang sa huli. Isang karakter na maaari mong mahalin at pwede mo ring kamuhian. Halika, pasok ka. Tuloy lang. Buksan mo na. Ssssshhhh...andyan na siya!
TRESE [Completed] by Lorenzo_Dy
Lorenzo_Dy
  • WpView
    Reads 10,249
  • WpVote
    Votes 360
  • WpPart
    Parts 19
In the world between life and death, the only truth is that no one escapes. Labing-tatlong kaluluwa ang kailangang i-alay para ang bangkay ay muling mabuhay. Paano makakalaya ang mga kaluluwang bihag ng kadiliman kung ang mga matang nagmamasid sa iyo ay isang demonyo? Demonyong pinapatakbo ang sarili nitong mundo. Kung saan sa pagitan ng buhay at kamatayan, kamatayan ang s'yang laging nananaig. Kung akala mo ay alam mo na. Kung akala mo ay kilala mo na . Kung akala mo ay tama ka. Nagkakamali ka dahil nalinlang ka niya. As the mystery unfolded, the true horror of their fate became clear. Unaware of the others' secrets, leads to their horrifying end. Their spirits, now trapped in a realm of darkness, cried out for release. The challenge was not just to break the chains of darkness but to confront the very embodiment of evil that sought to keep them bound.
Might of Alibata (Published) by risingservant
risingservant
  • WpView
    Reads 2,642,118
  • WpVote
    Votes 93,591
  • WpPart
    Parts 101
AlphaBakaTa Trilogy [Book3]: Might of Alibata (Only Strong Survive) Utak mo'y aking pipilipitin, ito'y aking kakatasin. Ulo mo'y aking pasasakitin, hanggang mabaliw ka sa akin. Hinding-hindi mo ako makakalimutan, sisiguraduhin kong tatatak ako sa 'yong isipan.
The Return of ABaKaDa (Published) by risingservant
risingservant
  • WpView
    Reads 6,262,077
  • WpVote
    Votes 206,182
  • WpPart
    Parts 111
AlphaBakaTa Trilogy [Book2]: The Return of ABaKaDa (Reviving the Dead) Sulitin ang mga oras na nalalabi sa 'yo. Malay mo, ngayon na pala ang oras mo rito sa mundo. Hindi mo alam, may kutsilyong maaaring tumarak sa likuran mo. O hindi kaya, hatawin ka ng matigas na bagay sa iyong ulo. Ngunit, sa mga oras na ito, ihanda mo ang sarili mo. Mayroong nagmamatyag sa 'yo. Huwag kang lilingon sa magkabilang gilid mo. Sapagkat, kamataya'y nakadikit sa 'yo.