Lovelywintercat
- Reads 158
- Votes 31
- Parts 15
Magic, supernatural, powerful.
Nakakamangha, nakakabilib at nakakatuwang pagmasdan. Ganyan nila kadalasan kung ilarawan ang mahika. Kaakit-akit at nakakamangha. Ang cool tignan at masaya dahil magagawa mo lahat ng gusto mo dahil sa mahika na mayroon ka.
Pero paano kung sabihin ko sayo na ang lahat ng iyan ay kabaligtaran sa kung ano ang mayroon sa mundo Namin.
Salot, halimaw o maligno ang turing sa amin ng mga kapwa namin tao. Itinataboy kami ng sangkatauhan dahil sa mga angking kakayahan na mayroon kami na hindi namin alam kung saan nag mula. Lumalabas lang ang kakayahan namin pag tumutuntong kami ng ika-walong taong gulang. Dito na didiskubre kung sino ang may kakayahan at kung sino ang normal.
Nung una ay akala ko na masaya ang magkaroon ng kapangyarihan dahil na iiba ka sa lahat. Naiiba ka at espesyal sa lahat. Akala ko ay magiging bayani ako ng bayan at mamahalin ng lahat tulad ng mga nababasa at napapanood ko. Pero ang mga akala na 'yon ay nauwi sa isang madilim na pangarap.
Dahil kami. Kaming mga may kakaibang kakayahan ay itinataboy mismo ng mga sarili naming pamilya. Dahil itinuturing kami ng sangkatauhan bilang mga...
Halimaw.
****
No plagiarism. Plagiarism is a crime.
Created by: Lovelywintercat