Favorites
8 stories
I hate that I love you by littlemissann
littlemissann
  • WpView
    Reads 65,970
  • WpVote
    Votes 4,422
  • WpPart
    Parts 40
Ringo and Dani. Ringo and Dani. There is a thin line between love and hate. Sabi nila that thin line will bring us unexpected things. Things that we didn't see it coming...or might confuse our emotions and feelings. Ringo hates Dani. Hindi naman niya ikinakaila iyon. Dani hates Ringo. Kung pwede lang niyang iwasan ang tao. Pagod na siya sa masamang ugali at pakita ni Ringo sa kanya. Will Hate turn into Love? Parang ang hirap hanapin ng love sa kanila. A cliche story of Hate and Love.
Bud Brothers 6: Pepper's Roses (COMPLETED) by RoseTanPHR
RoseTanPHR
  • WpView
    Reads 156,345
  • WpVote
    Votes 3,309
  • WpPart
    Parts 15
"Hindi ka basta ibinagsak ng tadhana sa akin. Pinili kita. At dahil pinili kita, iingatan kita habang-buhay." Apektado na si Pepper sa cold war ng kanyang ama at ng best friend nitong si Don Pepe. Nanghihinayang siya sa mahigit forty years na pinagsamahan ng dalawa. Para mapagbati niya ang mga ito, kakailanganin niya ang partisipasyon at kooperasyon ng nag-iisang anak ni Don Pepe-si Rei Arambulo, ang lalaking kaaway na niya since the dawn of her puberty. Simple lang ang plano niya. Magkukunwari sila ni Rei na may relasyon. Kapag nalaman ng kani-kanilang ama na magiging magbalae ang mga ito, imposibleng hindi mag-usap ang dalawa. Himala ng mga himala, pumayag si Rei sa plano niya. At kalamidad ng mga kalamidad, nag-uumpisa pa lang sila sa kanilang palabas ay nag-malfunction na ang puso niya- biglang tumibok para kay Rei. By the time na inia-announce na ang kanilang pekeng engagement, hindi na fake ang damdamin niyang walang katugon. It's just a broken heart. Broken hearts still beat. I'll live. Kaya?
Marked Hearts (COMPLETED.Published) by Victoria_Amor
Victoria_Amor
  • WpView
    Reads 194,541
  • WpVote
    Votes 5,182
  • WpPart
    Parts 84
Mystery. Vengeance. Love. SECRETS. SACRIFICE. SAVED. Note: Unedited version ;)
Baby, You And I (Published under PHR) by aLexisse_rOse
aLexisse_rOse
  • WpView
    Reads 4,190,805
  • WpVote
    Votes 85,279
  • WpPart
    Parts 38
"A guy needs one kiss from his girl to get back on his feet." Settling down is the last thing on my mind. Kaya ganoon na lang ang pag-iwas ko sa mga magulang ko tuwing nababanggit nila ang tungkol doon. Ang katwiran kasi nila, baka raw sakaling tumino ako at magseryoso sa buhay kung magkakaroon na ng sariling pamilya. Pero sa kakaiwas ko, hindi ko akalaing higit pa palang responsibilidad ang kahaharapin ko. Ang maging instant daddy ng isang healthy baby boy na bigla na lang sumulpot sa pinto ng tinutuluyan kong condo! Dumagdag pa sa problema ko ang pasaway na kapatid ng best friend ko, si Cyrhel na simula't sapol ay para na kaming aso't pusa. Wala akong choice kundi kupkupin si Cyrhel pagkatapos niyang maglayas. Ano ang mangyayari sa aming tatlo kapag nagsama kami sa iisang bubong? Maging one big happy family kaya ang aming ending? ©2015
 Falling for Mr. Pa-fall (Published under PHR/Unedited Version)  by celestinephr
celestinephr
  • WpView
    Reads 107,709
  • WpVote
    Votes 2,439
  • WpPart
    Parts 10
Falling For Mr. Pa-fall By Celestine Phr "Magpa-tattoo kaya ako ng pangalan mo? Para tuwing naghuhubad ako, alam na nila kung sino ang nagmamay-ari sa 'kin." Kailangan ni Christine ng male model para sa ipipinta niyang nude painting na pagbabasehan ng kanyang final grade. At isa lang ang pumayag magmodelo para sa kanya: si Adam, ang ultimate hottie sa campus. Sigurado siyang perfect model ang lalaki dahil nakita niya mismo ang magandang katawan nito noong Oblation Run. Pero may hinihinging tatlong kondisyon si Adam: 1. Bawal ang audience sa painting sessions nila. 2. Isang oras lang ang ilalaan ni Adam para sa pagpo-pose sa kanya. Hectic daw kasi ang schedule nito. 3. Halik ang ibabayad niya kay Adam-na ike-claim nito tuwing matatapos ang bawat painting session nila. Desperada na si Christine kaya napilitan siyang pumayag. Sisiguruhin na lang niyang hindi siya mai-in love kay Adam. Hindi naman siguro siya mahihirapan dahil hindi siya ang tipong madaling ma-fall sa mga playboy na kagaya nito. Pero hindi nagtagal, na-realize niya na ang kilig, mahirap palang pigilan. Sa katunayan, excited siya sa halik ni Adam sa bawat pagtatapos ng painting session nila...
Because Almost is Never Enough by CelineIsabellaPHR
CelineIsabellaPHR
  • WpView
    Reads 388,771
  • WpVote
    Votes 8,830
  • WpPart
    Parts 35
Sabi ni Jackie sa sarili ay puwede na uli niyang ngitian si Yael dahil mahigit walong taon na rin naman ang nakakaraan mula nang ma-annul ang kasal nila. History na iyon. At sabi nga nila, past is past. Pero dapat pala ay hindi na lang siya humalik sa pisngi ni Yael. Hindi pala kasi handa si Jackie sa wala pang dalawang segundong pagdaiti ng pisngi niya sa pisngi nito. She suddenly became so aware of her ex-husband's oh-so gorgeous stance and sinfully sexy grin. Muli, nabuhay ang mga alaala. Mga alaalang masarap balikan... masarap ulitin. The inevitable happened. Nagkabalikan sila. And history repeats itself. Pero hanggang saang parte ng history nila ang mauulit? Hanggang hiwalayan din uli?
MR. PUBLIC SERVANT (published under PHR) (unedited) by jinkyjam
jinkyjam
  • WpView
    Reads 127,761
  • WpVote
    Votes 2,648
  • WpPart
    Parts 13
Hindi akalain ni Krista na ang lalaking mayabang na nakaengkwentro niya sa isang coffee shop ay siya rin palang nakatadhanang maging boss niya-- si Doreamon Sulibit. Hindi na niya nakuhang mag-back out dahil ano na lang ang iisipin at sasabihin ng taong nagrekomenda sa kanya sa trabaho. Katwiran niya ay kaya naman niyang sakyan ang kayabangan ni Doreamon na may natural na karisma sa mga babae. Ngunit ang pagsakay sa kayabangan ni Doreamon ay siya ring nagbigay-daan kay Krista na mahulog ang loob dito. Lalo lang nag-umigting ang nararamdaman niya nang halikan siyang bigla ni Emon isang gabi na hinatid siya nito. Magmula nang araw na iyon ay alam niyang nagbago na ang relasyon nila ng lalaki. Nag-go with the flow si Krista sa naging relasyon niya kay Emon. Pero wala sa hinagap niya na ang simpleng pagkausap sa kanya ng ina ni Emon ang magdudulot ng labis na sakit at pagkadurog ng puso niya.
Maybe Someday (Published under Precious Hearts Romances) by KimberlyLace
KimberlyLace
  • WpView
    Reads 158,151
  • WpVote
    Votes 2,464
  • WpPart
    Parts 10
My very first approved novel from Precious Hearts Romances. "Ayokong marinig mula sa iyo na hindi mo na ako mahal." Pagkalipas ng apat na taon ay nagbalik si Cassandra sa Pilipinas para pagbigyan ang hiling ng kanyang amang may sakit. Sa pag-uwi niya ay nagkrus uli ang mga landas nila ni Anton Santillan. Hindi niya inakalang sa pagtatagpo nilang iyon ay gigisingin nito sa kanya ang isang damdaming pilit niyang kinalimutan-isang batang pag-ibig na nagdulot sa kanya ng ibayong sakit ng kalooban na siyang dahilan ng pag-alis niya sa bansa. Sa pag-uwi rin niyang iyon ay may natuklasan siyang isang bagay na gusto niyang pagsisihan: a child's play that ruined her chance at happiness. Magagawa pa ba niyang itama ang mga maling nagawa niya at bawiin ang pusong minsan ay naging pag-aari niya?