DanicaAmor3
- Reads 2,525
- Votes 24
- Parts 1
PROLOGUE
"ON BEHALF OF OUR CREW, THANK YOU FOR CHOOSING FlyAsia as your airline today. Have a great day."
Ngumiti ako sa mga pasaherong palabas na ng eroplano. Nakatayo lang ako sa gilid at nagpapasalamat sa bawat lumalabas. May mga dala silang bagahe kaya lumalapit ako kapag may nabibigatan para tulungan sila.
"Last na lipad mo 'to?" tanong sa 'kin ni Kyla, isa sa mga crew.
"Oo." Ngumiti ako sa kanya. "Makakapagpahinga na rin."
Nakakapagod ang mahabang biyahe mula Atlanta pabalik dito sa Manila.
Dalawang araw din kaming nag-stay roon. Hindi pa nga ako nakaka-adjust sa jet lag, bumalik na naman dito sa Pilipinas. Nagugulo na ang body clock ko.
"Kain' muna tayo!" aya sa'kin ni Bri, isa pang flight attendant.
Hatak-hatak na namin ang malilitt naming maleta palabas. Dinig na dinig ko ang maingay na pagrapak namin sa sahig dahil sa heels na suot. Sumasakit pa ang mga paa ko dahil bagong heels ang suot ko.
"Hindi na ako. Kailangan ko nang umuwi." Tinanggal ko ang scarf sa leeg ko dahil nainitan na 'ko kaagad.
"Oo nga, may alaga pa yang si Yanna." Tumango naman si Bri.
Sumakay kami sa service pabalik sa headquarters ng airline. Pagkababa, kumaway ako sa kanila at naglakad na papuntang parking lot. Hinubad ko kaagad ang coat ko pagkasakay sa sasakyan dahil sa init. Nagpalit na rin ako ng sapatos para hindi mahirapan sa pagda-drive.
"Puking-inang sasayan 'to!" Hinampas ko ang manibela nang hindi na
naman mag-start.
Bumaba ako at tiningnan ang makina. Hindi ko naman alam kung may problema ba o ano. Sumakay na lang uli ako at sinubukang i-start ang sasakyan.
Ngayon naman, gumana! Kailangan ko na talagang palitan ang sasakyang' to.
Wala lang talaga akong pambili sa ngayon. Ang dami ko pang pinag-iipunan.
Ang dami kong pinagkakagastusan.
Umaangal na ang makina ng sasakyan pero nakarating pa rin naman ako sa tapat ng condo nina Sam, ang best friend ko. Nag-park ako at sumakay sa elevator para makarating sa floor niya.