Lorenzo
6 stories
Lorenzo Empire 1: Dave Andrew - The Barbaric Lover - Patt Valentino by Tadzrei2
Tadzrei2
  • WpView
    Reads 4,676
  • WpVote
    Votes 79
  • WpPart
    Parts 10
Hindi maganda ang unang pagtatagpo nina Barbara at Dave Andrew Lorenzo, ang panganay sa anim na magkakapatid na lalaki ng mga Lorenzo. He was gorgeous and stunning, a most sought-after bachelor. Pero bale-wala ang mga iyon kay Barbara dahil kagagawan ng lalaki kung bakit naiwala niya ang multimillion deal sa isang kliyente. Nagdemanda siya laban sa Lorenzo's Air na pinamamahalaan ni Dave, ngunit sa huli ay nag-withdraw siya nang labag sa kanyang kalooban. Ginamitan siya ng dirty trick ng lalaki at wala siyang magawa dahil kahihiyan niya ang nakataya: he was blackmailing her with the cheap video-taped scandal. Matinding poot ang nararamdaman niya para dito, pero bakit tila yelo siyang natutunaw tuwing nakapaloob siya sa mga bisig nito?
Lorenzo Empire 2: Dean Andrew - The Ruthless Gambler - Patt Valentino by Tadzrei2
Tadzrei2
  • WpView
    Reads 4,507
  • WpVote
    Votes 79
  • WpPart
    Parts 10
Kahit anak-mayaman at may mamanahing kompanya mula sa kanyang mga magulang ay nais pa rin ni Belinda na magkaroon ng sariling negosyo. Subalit ayaw ng mga magulang niya ang plano niyang iyon kaya ginigipit siya ng mga ito sa pera. Para matuloy ang pinaplanong negosyo, napilitan siyang tanggapin ang loan na iniaalok ni Dean Andrew Lorenzo, ang most sought-after bachelor ngunit higit na kilala bilang isang walang awa at tusong businessman- kahit nangangahulugan pa iyon ng pagkakaugnay niya sa buhay nito. She was hoping she could resist the magic of his kisses. But it seemed that Dean always got what he wanted. He said she wasn't quite different from the women who had succumbed to his muscular charms. And he was determined to make her his, for a brief wild romance!
Lorenzo Empire 3: Danz Andrew - The Animated Tamer - Patt Valentino by Tadzrei2
Tadzrei2
  • WpView
    Reads 5,051
  • WpVote
    Votes 69
  • WpPart
    Parts 10
Danz Andrew Lorenzo-a notorious devil who could easily charm a lady out of her clothes. Desperado siyang makuha ang atensiyon at pag-ibig ni Liberty Amorsolo at wala siyang ibang solusyon kundi ang kidnapin at angkinin ang matapang na dalaga. Liberty Amorsolo-a dream-weaving lady na nag-aangkin ng mga katangiang hinahanap ng isang lalaki. Akala niya ay pakikipagkaibigan lamang ang intensiyon sa kanya ni Danz Andrew Lorenzo... Until she woke up one sunny morning with him on her bed.
Lorenzo Empire 4: Dale Andrew - The Amorous Gentleman - Patt Valentino by Tadzrei2
Tadzrei2
  • WpView
    Reads 3,304
  • WpVote
    Votes 52
  • WpPart
    Parts 10
Nanganganib ang kompanya ng pamilya nina Melody. Nakasangla iyon sa Banco de Lorenzo. Walang ibang makakatulong sa kanila para maisalba ang kompanya kundi siya lamang. At ang solusyon: kailangan niyang akitin si Dale Andrew Lorenzo at makuhanan ito ng larawang nakahubad kasama siya. Iba-blackmail niya ito. Pero hindi ito naapektuhan sa pamba-blackmail niya. Siya ang higit na napahiya. Bumalik sa kanya ang plano at ang hindi niya nakita kaagad, she was falling in love with him. At si Dale ang uri ng lalaking hindi ganoon kadaling magpatawad.
Lorenzo Empire 5: Donn Andrew - The King Of Arrogance - Patt Valentino by Tadzrei2
Tadzrei2
  • WpView
    Reads 3,755
  • WpVote
    Votes 50
  • WpPart
    Parts 10
Natanggap si Charlene na maging saleslady sa Dolores Supermart, ang isa sa mga kompanyang pag-aari ng mga Lorenzo. Doon ay nagkrus ang mga landas nila ni Donn Andrew Lorenzo. Ang first impression niya rito ay arogante at sobrang yabang. Pero hindi naging sagabal iyon para ibigin niya ito. Minahal ni Donn ang maganda at seksing saleslady na si Charlene, kahit may-pagkamisteryosa ang dalaga-a woman who stole his heart the first time he saw her. Pero sino ba talaga ito at ano ang kaugnayan nito sa shipping magnate na si Don Bonifacio at kay Lawrence Laurenti na galing sa mayamang angkan mula sa Davao?
Lorenzo Empire 6: Doel Andrew - The Playboy - Patt Valentino by Tadzrei2
Tadzrei2
  • WpView
    Reads 3,522
  • WpVote
    Votes 46
  • WpPart
    Parts 20
Pagbabayarin ni Regina si Doel Andrew sa ginawa nitong panloloko sa kapatid niya. Ipararanas niya rito ang sakit na naranasan ni Devina sa lalaki. Ang mga iyon ang binuo niyang plano. Ngunit katulad ng kapatid niya, nahulog agad siya sa angkin nitong kaguwapuhan at kakisigan. Natuklasan niya ang hindi-mapigilang pangangailangan ng traidor niyang katawan kay Doel. Kaya nang alukin siya nito ng kasal, wala siyang nagawa kundi ang sumang-ayon. Ngunit hindi sila naging maligaya-dahil taglay pa rin ni Regina ang galit kay Doel. Nakatatak sa isip niya na ito ang dahilan ng pagkasira ng kanyang kapatid. Patuloy siyang inuusig ng kanyang budhi, kaya ipinasya niyang iwan ito. Subalit natuklasan niyang inosente si Doel sa mga ibinintang niya rito. Kasabay niyon ang tuluyang pagkawala ng pag-asang magkabalikan pa sila. Dahil siya ngayon ang balak nitong paghigantihan...