jazlee_JLMA
- Reads 8,645
- Votes 2,420
- Parts 30
Dalawang bata ang nangako sa isa't isa na sabay nilang haharapin ang buhay, ngunit isang matinding trahedya ang pumilit sa kanila na maghiwalay, isang pamilya ng makapangyarihang tao ang tumutol sa kanilang pagkakaibigan.
Lumipas ang maraming taon, at sa isang hindi inaasahang pagkakataon, muling nagtagpo ang kanilang mga landas. Pareho nilang hangad ang isang masayang buhay, isang buhay na malaya sa takot at pagdurusa. Subalit tila hindi ito gusto ng tadhana.
Hindi lang sarili nilang kaligtasan ang iniisip nila, may mga mahal sila sa buhay na handa nilang ipaglaban. Pareho silang handang isugal ang kanilang buhay, hindi lamang para sa isa't isa kundi para rin sa kanilang mga pamilya.