LumenVox30
Sa loob ng simbahan sila unang nagtagpo.
Tuwing Sabado at Linggo, laging nandoon si Khate Syrenne Graciano. Tahimik, taimtim, at hindi inaasahang doon din niya makikilala ang lalaking unti-unting aangkin ng puso niya..
Si Jaxenro El Altamirano.
Isang lalaking may malinis na paninindigan, mabait, at masyadong malapit sa Diyos.
Doon nagsimulang mahulog si Khate. At sa paglipas ng panahon, naramdaman din ni Jax ang kakaibang tibok ng puso sa tuwing magtatagpo ang mga mata nila sa misa.
Akala nila pareho na.
Akala nila pwede.
Pero paano kung ang lalaking natutunan mong mahalin... ay may mas mataas na tawag na gustong sundin?
Paano kung habang ikaw ay kumakapit, siya naman ay handang magbitaw para sa pangarap niyang maging pari?
At sa gitna ng tahimik na pagdarasal, isang tanong ang paulit-ulit na sisira sa puso ni Khate.
Bakit Diyos pa ang kalaban ko?
Sa pagitan ng pag-ibig at pananampalataya, sino ang dapat piliin?
At kapag dumating ang araw na kailangan nilang sumunod sa tama, may matitira pa kayang sila?