FILIPINO FANTASY STORIES
5 stories
Reincarnated as the Seventh Princess Book 3 by airosikinn
airosikinn
  • WpView
    Reads 243,721
  • WpVote
    Votes 8,762
  • WpPart
    Parts 12
Reincarnated as the Seventh Princess (Book 3/3) Trilogy Read RATSP Book 1 and RATSP Book 2 ❗️ Language: Filipino | English Genre: Reincarnation | Fantasy | Action | Romance Happy Ending is such a bizarre and cliché word for Yvonne as she never got her own when she died even before she started telling her own story. Sa huling bahagi ng buhay ni Yvonne, handa na kaya siyang harapin ang mas masakit at mas matindi na mga pagsubok at rebelasyon sa kanyang buhay. Dito masusubok ang tiwala ni Yvonne sa mga mahal niya sa buhay lalo na at nalalapit na ang pagtatapos ng unang taon niya sa akademya nang may pagdanak ng dugo at malagim na mga pangyayari. Isa-isa niya kikilalanin at uungkatin ang mga sikretong ikinukubli ng mga kaharian at ang naging papel nila sa pagdurusa ng mga kababaihan sa kasalukuyang panahon. Madugo ang daan na tatahakin niya tungo sa pagtuklas ng nakaraan ng babaeng kadikit na ng kanyang kaluluwa, sa pag-alam sa kadahilanan ng pagkamatay ng mag-inang Elaine at Eliana, at ang malalim na pinag-ugatan ng paghihirap ng mga kababaihan ng Elior. Kakayanin niya ba ang unti-unting pagkawala ng mga taong malapit sa kanyang buhay, ang nagbabadyang pighati at lungkot oras na malaman ng pamilyang Agrigent at katotohanan sa totoong Eliana? Ano nga ba ang gagawin niya kung makatatagpo niya muli ang mga taong naging dahilan ng kanyang kamatayan noon? Nanaisin niya pa nga bang magpatuloy kung malalaman niya ang totoong koneksyon niya sa mundong Elior at ang sikretong nagkukubli sa totoo niyang pagkatao? Kung darating na sa puntong kailangan niyang mamili ng buhay na nais niyang ipagpatuloy, babalik ba siya sa totoo niyang mundo mas pipiliin niyang lumaban at maglakbay kasama ang lalaking nagpakita sa kanya ng totoong pagmamahal? In her final story, will Yvonne be able to get the happy ending that she deserves? Or maybe it's not just about the happy ending, but the magic to be able to tell the story of how she was Reincarnated as the Seventh Princess.
Reincarnated as the Seventh Princess (Book 2/3) (COMPLETED) by airosikinn
airosikinn
  • WpView
    Reads 1,294,910
  • WpVote
    Votes 60,319
  • WpPart
    Parts 68
Book 2 of Reincarnated as the Seventh Princess (Trilogy) READING THE FIRST SEASON IS A MUST❗ Language: Filipino Genre: Fantasy | Romance | Action | Reincarnation Hindi naging madali para kay Yvonne ang ipagpatuloy ang bagong buhay sa katauhan ni Eliana, ang ikapitong prinsesa ng Cymopoleia. Kaliwa't kanan ang pagsubok na dumating sa kanya na mas lalong humubog sa pagmamahal at pagtanggap sa pagbabago ng kanyang buong pagkatao. Buong akala niya ay mas magiging payapa ang kanyang pamumuhay magmula ng makuha niya ang tiwala at pagmamahal mula sa iba't ibang tao na malaki ang maiaambag sa tatahakin niyang laban at landas ngunit doon pala siya nagkakamali. Ngayong mas lalo na niyang naintindihan ang pamumuhay sa mundo ng mahika ng Elior ay mas lalong titindi ang mga pagsubok na darating upang kanyang kaharapin. Sa mga bagong kabanata sa buhay ni Eliana ay mas lalo niyang makikilala ang mga tao sa kanyang paligid. Mas lalo niyang madidiskubre kung sinu-sino nga ba ang totoong nagmamahal at nagtitiwala sa kanya; kung sino at ano nga ba ang totoo niyang kalaban; at kung ano nga ba ang nangyari sa dati niyang buhay bilang si Yvonne. Samahan muli si Eliana sa panibagong yugto ng kanyang kuwento na kung saan, sisiyasatin niya ang kadilimang nababalot sa maliwanag na kaharian, aalamin niya ang mga pait at lungkot sa ngiti ng mga taong nakapalibot sa kanya; at uungkatin niya ang mga nakaraan at pinagdadaanan sa mata ng kanyang mga kalaban. At sa pagkakataong ito, mayroon na kayang aagapay sa kanya matapos matanggap ang kanyang matamis na Oo? Highest Ranking Achieved #1 Society (March-August 2022) #4 Maldita (August 2022) #53 Fantasy (September 2022)
I Love You Since 1892 by UndeniablyGorgeous
UndeniablyGorgeous
  • WpView
    Reads 133,647,100
  • WpVote
    Votes 662
  • WpPart
    Parts 47
Published book, series and now a Wattpad Original. Read the original story or watch new episodes weekly only on VivaOne. Hindi intensiyon ni Carmela Isabella ang umibig, lalo na sa taong 1892. Mula sa taong 2016 ay mapupunta siya sa nakaraan nang may isang misyon: huwag hayaang umibig sa kanya si Juanito Alfonso, ang anak ng kilalang gobernadorcillo at ang lalaking nakatakda niyang makaisang-dibdib. *** Palaging kinukuwestiyon ni Carmela Isabella ang mga kuwentong nakabaon sa nakaraan ng kanyang pamilya, ngunit hindi niya akalain na mula sa panahong 2016 ay mapupunta siya sa taong 1892 sa pamamagitan ng isang lumang talaarawan at ang Arch of the Centuries na kanyang nagsilbing portal. Inatasan siya ng isang misteryosong madre upang gawin ang napakahalagang misyon: kailangan niyang mamuhay bilang si Carmelita Montecarlos, ang bunsong anak ng pinakamayamang pamilya sa San Alfonso at siguruhing mapipigilan si Juanito Alfonso--ang nakatakdang mapangasawa ni Carmelita--na umibig sa kanya. Sa nalalapit nilang kasal at sa kasaysayang naghihintay na maisulat muli, ang pag-ibig na hindi naman sinadya upang maranasan ng dalawang inosenteng puso ay muli bang masisilayan pagkalipas ng isang siglo? Book Cover by: LIB Publishing Illustrated (Charcoal Painting) by: Warner Jr. DISCLAIMER: This story is written in Taglish. Started: June 01, 2016 Completed: April 27, 2017
Reincarnated as the Seventh Princess (BOOK 1/3) |COMPLETED| by airosikinn
airosikinn
  • WpView
    Reads 1,925,608
  • WpVote
    Votes 71,205
  • WpPart
    Parts 61
Reincarnated as the Seventh Princess Book 1 (Trilogy) Despite the clichè title, a breath-taking story is yet to unfold, waiting to be told. Not every story has a perfect beginning. Sometimes you have to read it till the end to feel the real magic within. Genre: Fantasy | Romance | Action | Language: Filipino Have you ever seen a princess be a bad bitch? Yvonne Calixta Villanueva, a bitchy and savage businesswoman who was betrayed and killed by her ex-lover and sister, reincarnated as a weakling and useless girl. Princess Eliana Soleil Eurydice Agrigent, the seventh princess of Cymopoleia. Ever since she was born, she was deprived of magical powers that would probably uplift her status. Now, she experiences great discrimination from her family and the society she's in. Will her life change once Yvonne dominates her physical body? Will she find justice for her Mother's death knowing that she is just a useless and weak princess? Will she find true love, friends, and genuine happiness even though she is not the real Eliana anymore? It is her story - the sweet and weak Princess turned into a bad bitch and is now ready to fight for her status, uplift women's rights in her world, save her family, and meet the man she loves. Highest rank achieved: #1 - Fantasy (September 02, 2020) #1 - Maldita (April 2021) #9 - Historical (December 2020) #3 - Fantasy (July 2021) #1 - Magic (July 2021) #1 - Princess (July 2021) #3 - teenfiction (September 2022) #12 - Romance (April 2022)
Salamisim (Published by Flutter Fic) by UndeniablyGorgeous
UndeniablyGorgeous
  • WpView
    Reads 12,635,914
  • WpVote
    Votes 586,686
  • WpPart
    Parts 39
Ang Unang Serye. "Isang araw, nagising na lang ako sa loob ng kuwentong isinulat ko." Natuklasan ni Faye na nagagawa niyang makapasok sa kuwento na kaniyang isinulat. Ang kaniyang nobelang Salamisim ay tungkol sa pagmamahalan ng isang dalaga na anak ng gobernadorcillo at ng isang binatang nabibilang sa samahan na naglalayong pabagsakin ang pamahalaan. Nakilala ni Faye ang lahat ng karakter na kaniyang pinangalanan. Naranasan niya ang lahat ng eksena na binuo ng kaniyang malikhaing kaisipan. At narinig niya ang lahat ng linya na kaniyang pinaghirapan. Hindi siya naniniwala sa Happy Ending, ngunit paano na ngayong nakilala niya si Sebastian Guerrero? Ang pangalawang tauhan na siyang magiging hadlang sa kuwento. Hanggang saan ang kayang gawin ng manunulat upang protektahan ang kaniyang akda kung mahuhulog ang kaniyang damdamin sa antagonista? Date Started: February 29, 2020 Date Finished: May 26, 2020 Published by Flutter Fic/ Anvil Publishing All Rights Reserved 2020