his
4 stories
When It All Starts Again by LenaBuncaras
LenaBuncaras
  • WpView
    Reads 702,824
  • WpVote
    Votes 33,585
  • WpPart
    Parts 77
Anim na taon mula nang magbago ang nakalakhang buhay ni Stella Daprisia, inisip niyang isang malaking pagkakamali na ang lahat ng nangyayari sa kanyang buhay. Mula nang iwan ng mga itinuring na kaibigan, iwan ng sariling ama upang sumama sa ibang babae, hanggang sa pagkamatay ng sariling ina-lahat ay mga pangyayaring napagod na siyang iyakan at isipin pa ay parte na lamang ng pangit na pundasyon ng buhay na gusto niyang baguhin. Sa pagdating ni Phillip at ng mahiwagang pocket watch sa kanyang buhay, bibigyan siya ng mga ito ng dahilan upang baguhin ang lahat. May mga pangyayaring maaaring balikan, mga pagkakataong maaaring baguhin, mga sandaling hindi pagsasawaang paulit-ulitin, ngunit sa oras na humingi na ang tadhana ng kapalit sa bawat oras na naibalik, matatandaan pa kaya niya ang mga bagay na nagsilbing daan upang maayos niya ang sariling kinabukasan? Maaalala pa kaya niya ang bukod-tanging nanatili sa kanyang tabi kung siya rin ang dahilan kung bakit niya ito nakalimutan? ----- When It All Starts Again © 2019 by Lena0209 (Elena Buncaras) WINNER OF THE WATTY AWARDS 2019 UNDER YOUNG ADULT CATEGORY Original concept of When It All Starts Again © July 2013 by Lena0209
My Handsome Katipunero by JanelleRevaille
JanelleRevaille
  • WpView
    Reads 974,127
  • WpVote
    Votes 39,680
  • WpPart
    Parts 59
[HIGHEST RANK: #1 in Historical Fiction - April 22, 2018 #3 in Historical Fiction - November 14, 2016] ✔COMPLETED [Currently Editing] Malaki ang paghanga ni Kristin Lopega sa mga artista at mangangawit ng bansang America. Dahil sa sobra niyang paghanga sa mga ito ay ginagaya nya rin ang pananamit at lifestyle nila. Tinatangkilik niya ang mga produktong banyaga. At dahil lumaki siyang nakahain na ang luho sa harapan ay pabalik-balik siya kung pumunta sa iba't ibang bansa. Kulang na nga lang manatili siya doon ng tuluyan kung hindi lang dahil sa kanyang ina. Ang kanyang mga magulang ay mga kilalang Filipino Historian. Kaya tutol ang mga ito sa kinaaadikan ng kanilang anak. Bukod sa pagkasuklam niya sa sariling lupang sinilangan, siya rin ay maldita, suplada at mapangmata. "Alam mo, sana bumalik ka sa mga panahon kung saan isinakrispisyo ng mga bayani ang sarili nila para sa kalayaan," nasabi sa kanya ng kanyang ina ngunit binalewala lamang niya ito at natulog. Ngunit pano kung paggising niya ay bumalik siya sa taong 1896? At paano kung makilala niya si Antonio Hidalgo, ang gwapong katipunero ng Kataastaasang, kagalanggalangang katipunan ng mga anak ng bayan? Siya na ba ang babago sa isang Kristin Lopega? Siya na ba ang tutunaw sa yelong nakapalibot sa puso ng ating bida? Date Published: June 12, 2016 Dated Finished: April 18, 2018
Changing the General's Path [Battle Above The Clouds Series #1] by senyoraflores
senyoraflores
  • WpView
    Reads 137,310
  • WpVote
    Votes 4,081
  • WpPart
    Parts 36
Battle Above The Clouds Series #1 Veronica Estrelle is a military doctor at bumalik siya sa taong 1899 bilang si Veronica Nable Jose sa mismong araw at lugar kung saan ay papatayin ng mga amerikano ang batang heneral. Kailangan niyang iligtas sa kamatayan ang heneral at baguhin ang ugali ng heneral. Inspired by Goyo: Ang Batang Heneral Date started: May 19,2020 Finished: June 20, 2020
1889 ✔ (Completed) by MoonstarSolar
MoonstarSolar
  • WpView
    Reads 72,034
  • WpVote
    Votes 1,968
  • WpPart
    Parts 32
Summary Si Lara ay isang dalaga na nagmula sa Bataan, sa bansang Pilipinas, taong 2018. Sa hindi inaasahang pangyayari ay nakapag-time-travel siya patungo sa nakaraan sa Pilipinas, taong 1889. Nagawa niya ang paglalakbay sa ibang panahon nang dahil sa Project 1889. Isa itong proyektong kasalukuyang pinag-aaralan ng kaniyang kapatid na si Leandro na bihasa sa mga computer programs. Kasama rin sa pagtulong ang kaniyang nakababatang kapatid na si Lucas na siya namang gumuguhit ng kaniyang mga kailangan sa panahong iyon sa pamamagitan ng XP-Pen Artist 12 Pro na isang drawing tablet. Sa kaniyang paglalakbay ay nakilala niya ang isang binatang nagngangalang, Sebastian Alonzo. Si Sebastian ay isa sa mga aristokrato ng kanilang bayan. Sa una nilang pagkikita ay hindi kaagad sila nagkasundo. Naging masungit si Sebastian sa kaniya ngunit paglaon ay natutunan siyang mahalin nito kahit na hindi niya mawari kung saan nga ba nagmula ang dalaga, gayun din naman si Lara para sa binata kung kaya't sila ay naging magkasintahan. Nang magkasakit si Lara ay nakausap niya ang isang matandang manggagamot. Binigyan siya nito ng babala at binalaang huwag nang babalik sa panahong ito. Makababalik kaya si Lara sa kaniyang panahon? Paano si Sebastian? Papayag ba siyang maiwan sa taong 1889? Ano kaya ang mangyayari kay Lara? Ano kaya ang mangyayari sa pag-iibigan nila ni Sebastian? Paano nila susuungin ang hamon ng buhay gayong sila ay ipinanganak sa magkaibang panahon? Ito ay isang kwento tungkol sa pag-ibig, kasaysayan, at paglalakbay sa ibang panahon. Ginanap sa: Pilipinas, 1889 at 2018 Highest rank achieved: ⋆ #1 in timetravel (February 7, 2021) ⋆ ⋆ #1 sa pilipinas (December 4, 2020) ⋆ ⋆ #1 in PhilippineHistory (May 31, 2019) ⋆ ⋆ #4 in Historical Fiction (May 13, 2018) ⋆ Thank you! Thank you! ❤❤