done reading
31 stories
Mananatili Kang Akin - Martha Cecilia by Tadzrei2
Tadzrei2
  • WpView
    Reads 4,631
  • WpVote
    Votes 147
  • WpPart
    Parts 11
"Pinakasalan kita dahil iyon lang ang paraan upang mapasaakin ang aking anak. Pero hindi nangangahulugan iyon na pahihintulutan kitang makipagtagpo sa ibang lalaki. Mananatili kang akin, Janis..." Janis swallowed the vile things she wanted to hurl at him. Dalawang buwan pagkatapos nilang ikasal ay umalis si Rolf at nangibang-bansa. Lihim siyang natuwa dahil naingatan ng paglayo nito ang lihim niya. But after three and a half years, he was back. At nakapagtatakang sa kabila ng pagkasuklam niya rito ay hindi niya kayang tanggapin na may ibang babaeng pinag-uukulan ito ng pansin.
I Love You, Stranger - Camilla by Tadzrei2
Tadzrei2
  • WpView
    Reads 4,547
  • WpVote
    Votes 128
  • WpPart
    Parts 10
It felt right now here beside him; this was where she belonged, this was where she wanted to stay forever. Masakit kay Lilac ang pagkamatay ng kanyang ina. Hindi niya matanggap iyon at ang pag-inom ng alak ang napagbuntunan niya. Dulot niyon ay naipagkaloob niya ang sarili sa isang estrangherong si Cristoff at nagbunga iyon. Ngayon ay kailangan niyang humingi ng tulong dito na panagutan iyon kahit kunwari lamang. Ayaw kasi niyang malagay sa alanganin ang kandidatura ng kanyang ama sa nalalapit na eleksiyon. Napapayag niya si Cristoff sa gusto niyang mangyari. Pinakasalan siya nito at wala siyang masabi sa pag-aalaga nito sa kanya. Kung sasabihin lang nitong mahal siya nito ay magtatapat na rin siya ng kanyang damdamin. Wala na siyang mahihiling pa kung mahal nga siya nito. Ngunit hindi niya inaasahan ang pagsulpot ng isang malaking hadlang para malubos ang kaligayahan niya.
Love Is Not Blind - Sofia by Tadzrei2
Tadzrei2
  • WpView
    Reads 3,697
  • WpVote
    Votes 116
  • WpPart
    Parts 22
Para hindi tangayin si Love ng sindikatong pinagkakautangan ng tatay niya ay kinailangan niyang magpanggap na bulag at mamuhay na isang bulag. Wala siyang oras sa pag-ibig. Malas kasi siya pagdating sa lalaki. Hindi na siya binalikan ng kasintahan niyang si Mitos na nag-abroad. Pero sa pagpapanggap niya ay isang lalaki ang laging nakakaagaw ng atensiyon niya. Binubuhay nito ang nahihimbing na puso niya. Isang misteryo para sa kanya ang pagpapanggap nito bilang Mitos kahit batid niyang "Cameron" ang tunay na pangalan nito. Ito ang sumagip at nag-alaga sa kanya mula sa mga sindikatong dahilan kung bakit muntik nang mapariwara ang buhay niya. Pinangatawanan nito ang pagpapanggap bilang Mitos at hinayaan niya ito. Hanggang sabihin niteng mahal siya nito kahit ang buong akala nito ay bulag siya. Mahal din niya ito kaya gusto niyang hilingin na ipakilala nito ang tunay na pagkatao nito at mahalin siya nito hindi bilang si Mitos kundi bilang ang totoong ito. Mamahalin pa kaya siya nito kapag nalaman nitong nakakakita talaga siya?
Eugene's Proposal - Therese Fajardo by Tadzrei2
Tadzrei2
  • WpView
    Reads 2,718
  • WpVote
    Votes 40
  • WpPart
    Parts 12
Ang sinabi ni Freddie sa sarili, hinding-hindi niya gagamitin ang kanyang ganda at katawan upang maabot ang mga pangarap niya sa buhay. Ngunit heto siya ngayon sa harapan ni Eugene-isang lalaking may kakayahang magbigay ng lahat ng gusto niya at ambisyon. Pero may kapalit. Gusto nitong maging babae siya nito. Sa sitwasyon niya ngayon, mukhang wala siyang ibang choice kundi tanggapin ang alok ng binata. If only he would love her back. Ngunit imposibleng mangyari ang huli dahil sa lahat ng katangian na mayroon si Eugene, hindi kasali roon ang kakayahang mag-commit. Lalung-lalo na sa kanya na pumayag sa panandalian at no-strings-attached na relasyon na inalok nito....
My Heart Belongs To You - Estrella Montenegro by Tadzrei2
Tadzrei2
  • WpView
    Reads 15,085
  • WpVote
    Votes 186
  • WpPart
    Parts 14
Napahumindig si Fatima nang makapa niyang may kasiping siya sa kama. Napamulagat siya sa nakita-lalaki! Katabi niya sa kama ang isang lalaki! Oo nga't lasing siyang umuwi kagabi pero wala siyang natatandaang may nakita o nakilalang lalaki sa bridal shower na dinaluhan niya. Pinakiramdaman niya ang sarili... at wala naman siyang nadamang kakaiba sa kanyang katawan. Upang masagot ang katanungang kumakatkat sa kanyang isip, inangat niya ang kumot sa ibabang parte ng katawan ng estranghero para silipin kung may suot ito. Noon ito nagising....
Nang Gabing Manging Akin Ka - Martha Cecilia by Tadzrei2
Tadzrei2
  • WpView
    Reads 4,564
  • WpVote
    Votes 119
  • WpPart
    Parts 11
Dalawang pag-ibig na ang nawala kay Monica dahil hindi niya nais na magkaroon ng pre-marital affairs. At ang huli, si Michael, iniwan siya sa isang resort sa Laguna nang tumanggi siyang makipagtalik dito bago sila makasal. Sa sama ng loob, habag sa sarili, at iglap na rebelyon na tinulungan pa ng dalawang shots ng tequila, ipinagkaloob ni Monica ang sarili sa isang total stranger.
You're Mine, Only Mine - Martha Cecilia by Tadzrei2
Tadzrei2
  • WpView
    Reads 3,591
  • WpVote
    Votes 105
  • WpPart
    Parts 12
"Akin Ka, Roxanne, dahil binili kita mula kay Alfonso ng dalawa at kalahating milyon...!" Hindi makapaniwala si Roxanne na siya ang ibinayad ng ama bago ito namatay sa pagkakautang nito sa mga Moravilla. At pagkalipas ng tatlong taon ay dumating si Alex Moravilla upang singilin ang pagkakautang na iyon. Ang pagpapakasal niya kay Alex ang kabayaran. Hindi siya papaya anuman ang mangyari. Kung katawan niya ang kailangan ni Alex ay ibibigay niya huwag lamang makulong ng habang buhay sa piling nito.
Apoy sa Malamig na Puso - Martha Cecilia by Tadzrei2
Tadzrei2
  • WpView
    Reads 3,571
  • WpVote
    Votes 125
  • WpPart
    Parts 10
"Hindi kita type. Para kang tuod na hindi mabali ang leeg. I want my woman with a little fire and passion." Si Allie, isang cold and socialite snob. Si Greg, rough at aroganteng farm owner. Hindi nila type ang isat-isa. Pero kailangan ni Allie ng asawa kundi ay mawawala ang banking empire ng pamilya. At si Greg nama'y nangangailangan ng malaking pera. Pera niya kapalit ng pangalan ni Greg. Marriage for convenience sa loob lamang ng anim na buwan. Walang emotional involvement. Pero bakit nagagalit siya kay Karla, ang babaeng sana'y pakakasalan ni Greg?
Braganza Men 3: Bayani - Maureen Apilado by Tadzrei2
Tadzrei2
  • WpView
    Reads 2,662
  • WpVote
    Votes 89
  • WpPart
    Parts 13
Isang romance novelist si Dana. Nagkaroon siya ng writer's block. She needed a change of atmosphere. At nagpasya siyang pumunta sa isang lugar. Binulabog ng pagdating ng isang Bayani Braganza ang katahimikan at konsentrasyong hinahanap niya. Dahil parehong pinagpipilitang pumirmi sa bahay-bakasyunang iyon, walang ibang option kundi pagsaluhan nila ang cottage... "Akala ko ba, mas gusto ng mga babae ang mga lalaking may balbas at bigote? Like Juan Miguel?" "He's only a character na ginagawa ko. Imahinasyon ko lang 'yon bilang writer." "How about those love scenes?" Bumilis ang pintig ng puso ni Dana. Hanggang na-realize ni Bayani na hindi lang ang bahay-bakasyunang iyon ang dapat nilang pagsaluhan. He wanted her in his bed. And in his life...
Now And Forever - Laurice Del Rio by Tadzrei2
Tadzrei2
  • WpView
    Reads 14,423
  • WpVote
    Votes 197
  • WpPart
    Parts 9
Minsan ay minahal ni Jenna si Polo nang buong puso. Ngunit dahil sa matinding pangangailangan ay kinailangan niyang iwan ito at talikuran ang kanilang pagmamahalan. Mahigit apat na taon ang lumipas, isa uling matinding pangangailangan ang nag-udyok sa kanya para lapitan ito. Naakusahan ang kanyang ama ng kasalanan na hindi naman nito ginawa. Kailangan nito ng abogado na magtatanggol dito. Si Polo ang isa sa mga pinakamagaling na abogado sa bansa at kilala ito sa pagtanggap ng mga pro bono cases. Lakas-loob na nilapitan niya ito para hingin ang tulong nito. Pumayag ito pero may kapalit: Siya.