kelansay
Si Maria Serafina Mayari Del Fierro ay ang anak na bunso ng Gobernadorcillio sa probinsya ng Cavite. Kilala ang binibini bilang isang dalagang pangahas, na sa tuwing ito'y may mapupusuan ay agad siyang magtatapat sa taong kanyang iniirog.
Nang dumating si Marcus Lisandro Parieda sa Cavite mula sa Europa kung saan siya pinag-aral ng kanyang ama na kilala bilang maimpluwensiya at mayamang haciendero at isang negosyante.
Nagkakilala sila at agad na nahulog sa kanya si Mayari, maginoo at may respeto sa mga binibini si Marcus, kaya't sinabi niya kay Mayari na nakababatang kapatid lamang ang tingin niya rito.
Ngunit kahit ganoon, hindi sumuko si Mayari at ipinagpatuloy ang tila panliligaw niya rito.
Ngunit may nangyari na nagpatigil sa kanya na ipagpatuloy ang pagpapamalas ng kanyang pag-ibig.
Book Cover: Nakaw kay pinterest with permission
Date Started: May 27, 2026
Date Finished:-