mnemasynelle
- Leituras 15
- Votos 9
- Capítulos 5
Everyone knows her name, but no one knows her face.
Sa likod ng bawat matagumpay na pag-iibigan sa lungsod, may isang aninong gumagalaw - si Your Online Cupid. Siya ang pasimuno ng mga happy endings, ang boses na pinagkakatiwalaan ng libo-libo, at ang misteryong hindi kayang buksin ng kahit sino.
Ngunit sa likod ng screen, si Alanna Rae Almero ay isang babaeng nakikipaglaban sa hamon ng realidad. Isang puyat na estudyante, isang raketerang anak, at isang kaluluwang pilit itinatago ang sarili sa dilim.
Hanggang sa dumating ang isang alok na hindi niya matanggihan. Isang bilyonaryong kasing-lamig ng gabi ang humihingi ng tulong upang hanapin ang isang bagay na hindi nabibili ng pera. Upang maisalba ang kanyang mundo, kailangang lumabas ni Alanna sa anino at harapin ang lalaking maaaring magpabagsak sa kanyang itinatagong pangalan.
Sa laro ng pag-ibig, sino ang tunay na tinitira ng pana: ang kliyente, o ang Cupid na nagtatago sa likod ng maskara?