cam_schrivers
TAPOS NA ANG GULO na dinala ng Secret Dragon sa buhay ng mga gumiho at ng tao.
Sa pagtatapos ng henerasyon ni Lucianna bilang gatekeeper at sinaunang reyna ng buong lahing gumiho, ipinasa na niya sa Fox Siblings ang mabigat na responsibilidad na ginampanan niya sa loob ng isang libong taon.
Ibinigay na niya kina Lyka at Andrian ang pamumuno sa kanilang lahi. Bilang mga bagong gatekeepers ng lahat ng foxes, sila na ang maghahatid sa mga namayapang gumiho patungo sa after-life river. Ibinalik na rin ni Lucianna kay Claud ang pagiging Mountain God ng kanilang lahi - muli na niyang mapoprotektahan ang kagubatang minsan niyang napabayaan.
Sa kanila magsisimula ang pinakabagong henerasyon, mula sa kanilang mga anak na sumunod sa kanilang mga yapak bilang mga mandirigma. Tatawagin silang The Secret Fox Warriors.
Ngunit sa pagbubukas ng panibagong yugto ng kanilang buhay, muling gugunawin ang kanilang katahimikan.
Dahil sa pagkamatay ng Secret Dragon, nagising ang isang propesiya. Propesiyang magdadala sa mga gumiho ng panibagong laban. Lalabas ang isang nilalang na mas makapangyarihan pa kaysa sa Secret Dragon - isang nilalang na kayang sirain ang lahat ng nasa mundo.
Ang God of Destroyer. Si Gideon Darker.
Mas malakas. Mas mautak. Ang pinakamakapangyarihang kalaban na haharapin ng mga gumiho. Dahil siya ang bathalang lumikha sa lahat ng masasamang nilalang sa mundong ito.
Makakaya kayang pamunuan ng Fox Siblings ang panibagong laban na ito? Sa paglabas ng kanilang bagong malalakas na kalaban, dito na kaya magtatapos ang kanilang lahi? May mga buhay pa kayang handang isakripisyo para mailigtas ang kanilang o dito na rin matatapos ang lahat?