Sanusaiko
- Reads 740
- Votes 37
- Parts 21
Umuwi si Yeng mula Japan para makapiling muli ang mga magulang. Ang inaakala niyang masayang pamilya ang sasalubong ay sa kulungan pala ang bagsak, kung nasaan ang nakakulong ang minamahal niyang ina. Pagtatalo ang namayani sa kanilang dalawa ngunit ang mga tanong ay nakatanim lamang sa isipan ni Yeng. Bakit nakulong ang kaniyang ina? Ano ang dahilan?
Naroon sa puso niya ang pakiramdam na pinagdamutan ng katotohanan, ngunit ang tadhana ay hindi madamot, nang ma-diskubre ang lumang box ay naroon nakakubli ang nagmamay-ari ng diary simula pa noong 1993.
Ang nagmamay-ari niyon ay ang Filipino-Japanese na si Zaneri Nakayama. Ang tahimik, reserved, at mahiyaing babae na walang pakialam sa mundo, ngunit, natagpuan na lamang ang sarili na nagkagusto sa isang poging heartthrob na si Archimedes Keandre Ariente-na nagsimula sa nakakahiyang banggaan. Minsan ay napakalupit din ng tadhana sapagkat nagawa lamang niyang magmahal ng patago habang tinatanaw ang lalaking ninanais niyang makamtan.
Sa pagbuklat ng bawat pahina ay unti-unting lumalabas ang rebelasyon. Sino nga ba si Zaneri? Ano ang koneksiyon nito sa pamilya ni Yeng at pagkakakulong ng kaniyang ina? Magagawa kaya niyang alamin ang nakakubling katotohanan?