Starrywriter_Witch
- Reads 1,439
- Votes 644
- Parts 24
[COMPLETED]
Sa lugar kung saan gumuho ang ekonomiya ng dating bansang tinatawag na Pilipinas, ngayon ay kilala na ito bilang Phamicca kung saan lumaganap ang pag-usbong ng mga demonyong naghahanap ng kanilang makakapitang katawan sa loob ng mahigit tatlong daang taon. Nagmula ito sa grupong tinatawag na Reaper Cult na taga-ibang lugar dahil sa kanilang nais na masakop ang bawat bansa gamit ang paraang paggamit ng itim na mahika na ayon sa aklat ni Enoke.
Dahil sa kanilang matagumpay na pag-ekspermento nakagawa sila ng mga nilalang na tinatawag na 'Parasite Demon'. Isang makapangyarihang nilalang na may kakayahang pumatay ng kahit sino. Ngunit nagkakaroon lamang ito ng presensya sa mundo kung mayroon itong kinakapitang katawan na tinatawag na 'Demon's Host'.
At sa pagpasok ng makabagong panahon kung saan ang kasalukuyan tila naging kuwento na lamang ang tungkol rito. Nasanay na ang mga tao at natuto na rin silang maka-adapt sa mundong permanenteng binago ng mga 'Parasite Demons'. At sinong mag-aakalang ang ordinaryong babaeng katulad ko ang mapipiling maging isang host ng isa sa kanila?
Ito na ba ang simula ng pagbabago ng buhay ko bilang isang 'Demon's Host'?
___
The Demon Eater: Eve (devil at my table series Book 1)
Starrywriter_Witch
copyright 2025