HaileyMoon098
- Membaca 295
- Suara 19
- Bagian 1
Isang bata. Isang pagdukot. Isang buhay na binago ng isang lihim na organisasyon.
Si Nicariah ay hindi katulad ng ibang bata. Sa murang edad, siya ay dinukot at sinanay ng Ver-Aster Group - isang grupong lumilikha ng mga ahente na walang puso, walang emosyon, at handang gawin ang anumang misyon na iuutos sa kanila. Sa loob ng maraming taon, pinatigas niya ang kanyang puso. Pinatatag ang kanyang katawan. Tinalikuran ang mga pangarap ng isang normal na kabataan kapalit ng buhay na puro pag-ensayo, misyon at panganib.
Ngunit ang pinakamatindi at pinaka-"impossible" na misyon sa buhay niya ay hindi pagpatay, hindi pag-imbestiga, hindi pagliligtas.
Ito ay... pag-ibig.
Bumalik siya sa Pilipinas para sa isang bagong utos ng Master. Dapat niyang paibigin si Maley, alamin ang kanyang mga lihim, at pagkatapos ay wasakin ang kanyang puso. Para kay Nicariah, simple lang dapat ito. Isa lamang sa napakarami niyang misyon.
Pero isang problema ang hindi niya inasahan: sa halip na pekein ang damdamin, totoong nahulog ang puso niya kay Maley.
Sa mga tawanan, selosan, pagsuyo at paglayo, mabubuo ang isang relasyon na wala sa plano. Isang pagmamahalan na hindi para sa kanila. Isang pagmamahalan na bawal at maaaring magdulot ng pagkawasak hindi lang sa kanilang dalawa kundi pati sa mga taong nasa paligid nila.
Hanggang kailan kayang itago ni Nicariah ang totoo?
At kapag dumating ang araw ng pagpili - ang tungkulin ba bilang ahente ang mananaig o ang pag-ibig na natutunan niyang maramdaman?
My Mission - Isang kwento ng lihim, selos, pagtitiis, at isang pag-ibig na sa simula pa lang ay itinakdang masaktan.