azzy_me
- Reads 719
- Votes 71
- Parts 18
Matapos ang isang maikling interview sa hardware, sa wakas ay natanggap na si Lexi Nazareth bilang bagong empleyada. Bagamat simpleng trabaho lang ito, para kay Lexi, malaking bagay na ito-makakatulong na siya sa bahay, at hindi na niya kailangang marinig ang pangaral ng kanyang ina araw-araw.
Ngunit ang gabing dapat sana'y payapa ay biglang nabalot ng kaba nang utusan siyang bumili ng paminta. Wala na raw stock sa bahay, at kailangan ito ni Mama para sa lulutuin kinabukasan. Ayaw man ni Lexi dahil gabi na at may balitang may wanted na kriminal na gumagala, napilitan siyang lumabas.
Sa kanyang pag-uwi mula sa tindahan, nadaanan niya ang isang madilim at tahimik na eskinita. Doon niya unang nakita ang isang lalaki-tahimik, matangkad, nakasuot ng itim, at malamig ang presensya.
Hindi niya kilala ang lalaki, pero ito'y biglang nagsalita at tinawag siya sa pangalan.
> "Lexi Nazareth, 'di ba?"
"Papunta ka pa lang... pabalik na ako."
"'Pag ako ang nagustuhan mo... delikado ka na."
Sa tindi ng kaba at pagtataka, agad na tumakbo si Lexi pauwi, iniwan ang lalaki sa dilim. Pero sa kanyang puso, alam niyang hindi iyon ang huli nilang pagkikita.
Hindi lang ito basta estranghero.
Siya si Klaus Salvatore.
At simula pa lang ito ng lahat.
Salvatore Series🔪🖤