jam070304
Sanay si Mikha Lim sa ingay ng lungsod-party, alak, gabi na walang katapusan. Province life? Hard pass. Para sa kanya, mabagal, tahimik, at sobrang layo sa mundong kinalakihan niya.
Pero isang aksidente ang nagbago ng lahat.
Bigla siyang ipinadala sa probinsya, sa hacienda ng lola niya-walang paalam, walang choice, walang escape. Doon niya makikilala si Aiah Arceta, isang probinsyana na hindi nagpapa-impress sa yaman, yabang, o attitude ni Mikha.
Unang banggaan pa lang, mali na agad ang timing.
Pangalawa? Mas malala.
At mukhang hindi pa doon matatapos.
Isang city girl na ayaw sa probinsya.
Isang probinsyana na hindi natitinag.
Sa pagitan ng alikabok, katahimikan, at mga lugar na hindi pamilyar-
matututunan ba nilang umiwas sa isa't isa...
o mas lalo lang silang magbabanggaan?