_aitating_
- Reads 4,406
- Votes 128
- Parts 68
Sa madilim na bahagi ng Maynila, iisa lang ang batas: Ang utos ni Kazuki-san ay utos ng kamatayan.
Si Kazuki-san ay isang Kempeitai Taicho (Captain) na walang awa. Kinatatakutan siya ng lahat gerilya man o sibilyan. Ang kanyang mga kamay ay sanay sa dugo, at ang kanyang puso ay kasing tigas ng bakal. Wala siyang sinasanto.
Si Aurora Ocampo naman ay isang babaeng namumuhay sa likod ng kanyang camera. Sa gitna ng gulo, ang pagkuha ng litrato ang kanyang sandata upang maipakita ang katotohanan. Maingat siya, mabilis, at sanay magtago sa dilim.
Ngunit isang gabi, nagbago ang lahat.
Sa maling pagkakataon, nakunan ni Aurora ang isang karumal-dumal na pagbitay na pinamunuan mismo ni Kazuki. Sa pag-aakalang nakatakas siya nang walang nakakaalam, hindi niya batid na ang tunog ng kanyang shutter ay umabot sa pandinig ng halimaw.
Nakita siya ni Kazuki. At sa halip na ipahuli agad, naging interesado ang Hapon sa babaeng nangahas na nakawin ang kanyang imahe.
Nagsimula na ang laro ng pusa at daga. Ngunit paano kung ang daga ay mahulog sa bitag ng pag-ibig sa pusa na papatay sa kanya?