PHR
49 stories
Girlfriend For Hire - Camilla by Tadzrei2
Tadzrei2
  • WpView
    Reads 18,328
  • WpVote
    Votes 276
  • WpPart
    Parts 11
"I like kissing you. I only kissed you once, gusto kong masundan iyon. At huwag kang aangal, lubog ka sa utang sa akin."
Roses Are Red, Violets Are Blue - Martha Cecilia by Tadzrei2
Tadzrei2
  • WpView
    Reads 11,419
  • WpVote
    Votes 215
  • WpPart
    Parts 12
"When we danced that day, my heart was forever caught by a young girl's smile... and the prettiest face I laid my eyes on..." Natagpuan ni Viola ang sarili na bihag ng pag-ibig na kinakulungan ni Gio at ng kanyang ina. Tiniis niya ang hapdi ng dulot ng katotohanang nakikita siya ni Gio bilang si Violeta. Ngunit kaya ba niyang makipagkompetensiya sa kanyang ina? Paano niya makukumbinsi si Gio na siya si Viola at hindi si Violeta?
Para Saan Ang Pag-ibig? - Amanda by Tadzrei2
Tadzrei2
  • WpView
    Reads 6,371
  • WpVote
    Votes 132
  • WpPart
    Parts 10
On the night of their wedding, natuklasan ni Aya ang tunay na dahilan ng pagpapakasal sa kanya ni Gabby. The handsome business tycoon was planning to run in Congress at ang pag-aasawa ng isang dukha ay inaasahan nitong makakakuha sa simpatiyang masa. A dummy wife. Iyon ang magiging papel niya sa buhay ni Gabby at hindi totoong pag-ibig ang dahilan kaya siya pinakasalan ng lalaki. Hurt and devastated, nilisan ni Aya ang mansion at nagpakupkop sa isang malayong kamag-anak. Mas nanaisin na niyang masaktan ngayon kaysa lumıgaya sa pagkukunwari. Pero paano niya matitiis na malayo sa piling ni Gabby kung sa bawat sandali ng kanyang buhay ay hinahanap-hanap niya ang mga yakap at halik nito?
Too Good To Be True - Elizabeth McBride by Tadzrei2
Tadzrei2
  • WpView
    Reads 3,549
  • WpVote
    Votes 54
  • WpPart
    Parts 11
"Ikaw... Ikaw ang nais ng puso kong makapiling... hanggang sa huling sandali ng aking buhay." What would you do if one day you have-in front of you-one of the handsomest and most famous men in Manila? Maginoo ang tinig nito, tila nakangiti ang mga mata at ang maninipis na labi ay waring kay sarap humalik. Hindi man lamang nabihag si Veronica sa kaguwapuhang iyon ng palikerong lalaki. Para sa kanya, ang lahat ng estranghero ay hindi dapat pagkatiwalaan-ordinaryong tao man o mayaman. Maski na anak pa ito ng pinakamakapangyarihang tao sa bansa. Subalit nagbago ang lahat ng iyon nang malasap niya ang halik na iyon ni Eleazar. It was her first kiss. Parang magnet na humigop sa kanya ang mabangong hininga nito. She found herself falling in love with him. The next day, the news came out-Eleazar was engaged to a famous Manila socialite. Mapapatigil ba ng balitang iyon ang pagtibok ng kanyang puso?
The Substitute Groom - Noelle Arroyo by Tadzrei2
Tadzrei2
  • WpView
    Reads 4,613
  • WpVote
    Votes 114
  • WpPart
    Parts 11
Isang linggo bago maikasal si Jeanne kay Pons-na best friend niya at siya ring lalaking ipinagkasundo sa kanya-ay namatay ito dahil sa isang aksidente. Hindi pa siya nakakabawi ay nalaman niyang ang half brother nitong si Bastian ang papalit dito sa kasal. Nataranta siya. Lalaking-lalaki si Bastian, samantalang ang kanyang namatay na best friend ay isang closet queen. Paano siya tatakas kung ang kapalit niyon ay dangal ng kanyang mga magulang? Pero maayos naman palang kausap si Bastian. Strictly platonic lang ang magiging relasyon nila. Besides, may annulment. Kapag nakaraos sila sa kasalan, makakaraos din sila sa hiwalayan. Ang problema, hindi napigilan ni Jeanne na ma-in love kay Bastian hindi pa man sila naikakasal. At kung kailan damang-dama na nila ang pag-ibig sa isa't isa, saka naman natuklasang hindi talaga patay si Pons...
Sweet Surrender - Amanda by Tadzrei2
Tadzrei2
  • WpView
    Reads 4,766
  • WpVote
    Votes 113
  • WpPart
    Parts 10
"Kung ang ibang lalaki'y natutuwa kapag birhen ang nakuhang babae, nakapagtatakang iba ka sa kanila, Jake. Hindi ko alam kung matatawa o malıyak noong malaman ko kung bakit mo ako nilayuan-"Naputol sa pagsasalita si Alona nang akmang lalapit ang lalake. 'No! Hanggang diyan ka lang, at ni magtangka' y huwag mo akong hahawakan. Baka pag nakita mo kung ano ang reaksyon ko'y sabihin mong walang nagbago sa loob ng pitong taon. At ang sunod na itatanong mo'y kung ilang lalake na ang nakasiping ko sa kama..." Nanatili sa kinatatayuan si Jake at tumitig sa kanya. "Hindi mo na makikita ang dating Alona, Jake,' dugtong niya. "Pinatay mo na siya..."
Semper Fidelis - Rose Tan by Tadzrei2
Tadzrei2
  • WpView
    Reads 5,374
  • WpVote
    Votes 146
  • WpPart
    Parts 13
Bata pa si Sari ay minahal na niya ang apo ng matandang kumupkop sa kanya: si Aldon Latarde. Kaya naman ganoon na lamang ang kalıgayahan niya nang ialok nito ang pangalan sa dalaga. She was submissive, faithful and loving to Aldon. Dito umiinog ang kanyang mundo. Subalit iba ang balak ni Aldon. Alam nitong masasaktan si Sari kung dito manggagaling ang pakikipaghiwalay, kaya naman gumawa ito ng paraan -- paraang paibigin sa ibang lalaki si Sari. SEMPER FIDELIS, pangakong katapatan sa tuwina. Ngunit may halaga pa ba iyon nang matuklasan ni Sari na ipinamimigay ng lalaki ang pag-ibig niya?
Gems: Minsan May Isang Musmos Na Puso - Elizabeth Mcbride by Tadzrei2
Tadzrei2
  • WpView
    Reads 5,423
  • WpVote
    Votes 253
  • WpPart
    Parts 22
Minsan nang nagmahal si Louie; nag-alay ng sarili, subalit isang malaking kabiguan ang nakamtan. Lumipas ang mga taon. Kasabay ng unti-unting pag-usbong ng kamuwangan, isang alaala ng kahapon ang bumuhay sa isang wagas na pagmamahalan. Pagkatapos ng mahabang pamimirmihan sa States, nagpasya siyang magbalik sa Pilipinas. Noon niya nakilala si Rain, isang dalagitang hindi mahirap makagaahan ng loob. At ito ang nagdala sa kanya sa kanyang, kahapon. Kay Sidd. May pag-aşa bang maghilom ang sugat na nilikha ng kahapon kasabay ng pag-usbong muli ng isang pag-ibig sa kabila ng katotohanang nakatakda nang ikasal siya sa ibang lalaki?
Kapag Puso Ang Nangusap - Noelle Arroyo by Tadzrei2
Tadzrei2
  • WpView
    Reads 2,817
  • WpVote
    Votes 107
  • WpPart
    Parts 12
Upang makasama si Cathleen sa pag-uwing Yaya Ludy niya sa probinsiya ay kailangan niyang magpanggap na sang ordinaryong tao. Why, she was the only daughter of the most powerful man in the country and had a socialite for a . mother! Pero gusto niyang makasama ang yaya niya kahit man lang sa huling mga sandali nito sa mundo. At hindi niya inakala na may magbabago sa buhay niya sa pagtungo niya sa probinsiya. Nakilala niya roon si Justin-ang lalaking sa unang pagkikita pa lang ay gumulo na sa isip at puso niya. At tila interesado rin ito sa kanya. Aaminin niya sa kanyang sarili na masaya siya kapag kasama niya ito. Alam niya, nahuhulog na rin ang loob niya rito. Ngunit paano kapag nalaman nito ang totoong pagkatao niya? Mayroon ba itong sapat na lakas ng loob para harapin ang mga magulang niya? Paano kung hindi ito pumasa sa pihikang panlasa ng mama niya?
Kristine Series 53: I Have Kept You In My Heart - Martha Cecilia by Tadzrei2
Tadzrei2
  • WpView
    Reads 5,224
  • WpVote
    Votes 111
  • WpPart
    Parts 30
Nagkamalay si Alaina sa isang ospital sa isang probinsiya na puno ng sugat ang katawan. She had no memory of her past. She was six weeks pregnant. Ayon sa lahat ay isa siya sa dalawang taong nakaligtas sa isang banggaan ng bus at pickup truck na nahulog sa bangin. She was told days later that she was Mrs. Emmy Javier, ang asawa ng isa pang nakaligtas sa aksidente. Subalit paanong hindi niya maramdaman na asawa nga niya si Philip Javier? Totoong wala siyang maalala sa nakaraan niya, pero hindi ba at hindi naman nakalilimot ang puso? Bakit sa kaibuturan ng puso niya ay naroon ang pananabik sa ibang lalaki? Lalaking sa palagay niya ay kabahagi ng pagkatao niya?