Honnnieastillo
"Ang akala ko, ang pag-upo sa trono ng Eternal Realm ang magiging huling kabanata ng aking pakikipaglaban. Pero nagkamali ako.
Matapos ang pagbagsak ni Seraphina, isang mas madilim na puwersa ang nagising-ang Void Syndicate. Sila ang mga aninong hindi nakikita, ang mga kaaway na hindi tinatablan ng mahika, at ang mga magnanakaw ng alaala. Nang dakpin nila ang aking pinaka-tapat na kawal na si Cloud at simulang burahin ang kasaysayan ng aking kaharian, wala akong ibang pagpipilian kundi bumalik sa lugar kung saan nagsimula ang lahat: sa School Heavy University.
Ngunit sa pagkakataong ito, hindi na ako magtatago sa likod ng makapal na salamin. Ako si Hellish, ang Empress ng mga Immortal at Queen ng Mafia. At kung kailangang sunugin ang dalawang mundo para mabawi ang sa akin, gagawin ko.
In a world where existence is being erased, who will remember the Queen?"