SweetRoseeeeee2
- Reads 1,625
- Votes 22
- Parts 17
Sa mata ng iba, perpektong buhay ang mayroon si Elena Montenegro-isang maganda, mabait, at ideal na babae. Ngunit isang kasunduan ang biglang magpapabago sa kanyang tahimik na mundo.
Sa isang iglap, naging asawa niya si Leonardo De Luca, ang misteryosong negosyante na puno ng karisma. Ngunit sa likod ng kanyang gwapo at matipunong anyo ay ang madilim na lihim: siya ang pinuno ng pinakamakapangyarihang Mafia sa bansa.
Sa pagitan ng pagkabighani at takot, mahuhulog si Elena sa mundo ni Leonardo-isang mundong puno ng karangyaan, panganib, at matinding pagnanasa.
Ngunit habang lumalalim ang kanilang relasyon, unti-unti rin niyang matutuklasan ang mga lihim ng kanyang asawa. Paano kung ang lalaking minahal niya ay siyang sisira sa kanya? At paano kung ang init ng kanilang pagmamahalan ay masunog ng apoy ng kasinungalingan?